Chapter 3

1.9K 65 1
                                    

"LOVE, nasa kama na ang damit mo. Lalabas na muna ako." narinig niyang sabi ng lalaki.

Napakunot noo siya. Endearment ba yun o alam niya ang pangalan ko? "Salamat. Patapos na rin ako. Tatawagin na lang kita kapag pwede ka na maligo." sigaw niya.

Narinig niya ang pagbukas sara ng pintuan. Malamang nakalabas na iyon. Isinuot niya ang malaking roba nitong kulay blue at naamoy niya ang mabangong amoy ng Polo Blue at pinaghalong sabon. Ang bango! Parang kiniliti ang ilong niya. Ito kasi ang paborito niyang pabango kahit panlalaki iyon ay ito pa rin ang binibili niya.

Lumabas na siya at nakita ang tatlong paperbag sa kama. Nakita niya ang tatak nito. Anastasia.. Hala! Kay Ma'am Anastasia pa umorder si Pogi. Ang alam niya ay hindi biro ang presyo ng mga damit na obra nito. Binuklat niya ang unang paperbag at nakitang underwear iyon. Namula ang mukha niya. Pati ba naman ito? Ang pangalawang paperbag naman ay naglalaman ng isang puting bestida. Ang pangatlo naman ay isang pares ng puting pumps na katamtaman lang ang taas para sa kanya. Agad niyang isinuot lahat iyon at ipinasok sa paperbag ang mga nabasa niyang damit. Sayang naman kasi.

Tinutuyo niya ang buhok niya nang kumatok ang lalaki. "Tapos ka na ba? Pwede na ba akong maligo?"

"Ah. Oo. Pasensiya na. Tinutuyo ko lang ang buhok ko." binuksan niya ang pintuan at pinapasok ito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Not bad, Love." narinig niyang sambit nito.

Natigilan siya nang marinig ang pangalan niyang sinambit nito. Parang biglang kinabahan siya na ewan. Hindi niya maexplain. Parang hinahalukay ang kalamnan niya.

Sinundan niya ito ng tingin nang kunin nito sa ibabaw ng kama ang roba nito na kakasuot lang niya. Kumuha rin ito ng bagong suit sa walk in closet nito. "I'll be quick. Ihahatid na kita sa pupuntahan mo."

Napatango lang siya rito. Para siyang tangang sinusundan lang ito ng tingin. Hanggang sa makapasok ito ng banyo ay nakatitig lang siya sa pintuan ng banyo. Napaupo siya sa kama at nabitiwan ang towel na dala niya. "Ano to? Ano tong nararamdaman ko kay Pogi?"

MAKALIPAS ang tatlumpung minuto ay lumabas na ito na suot suot ang suit nito. Umupo ito sa tabi niya at tinuyo ang buhok nito gamit ang towel na hawak nito. "Is your dress comfortable? Hindi ba masikip?" tanong nito sa kanya.

Napangiti siya at umiling. "It fits perfectly."

"Good."

Napadako ang tingin siya sa mga paa nitong walang sapin. Napangiti siya. Malinis kasi ang mga kuko nito at ang laki pa ng paa nito.

"Can you get me a pair of socks at my closet?" pakiusap nito sa kanya.

Tumango siya at nagtungo sa walk in closet nito nang biglang bumukas ang lahat ng ilaw. Napanganga siya. It was like a boutique with lots of suits, ties, shoes and etc.. Nasa gitnang bahagi ang mga mamahaling relo nito na nasa espesyal na salamin na lalagyanan. Wow! Napailing siya. Iba talaga kapag mayaman.. Binuksan niya ang isang drawer at namula ang mukha niya nang makitang mga underwear pala iyon. Agad niya iyong isinara. Grabe! Nababasa niya sa bawat damit nito na puro luxury brands ang mga ito. Maski shirts at pantalon nito ay branded. Ang mga sapatos nito'y hindi mabilang. Ang mga suits nito ay hindi naman masyadong nagkakaiba ng kulay. Halos puro black at gray lang naman pero bakit ang dami? Nakakaloka..

"What's taking you so long?" nakakunot noong tanong nito sa kanya.

"Grabe! Para akong nasa mall.. hindi ko kasi mahanap ang drawer ng mga medyas mo eh. Nakakahilo rito sa loob. Daig mo pa ako bumili ng mga damit, pogi." iling na wika niya.

Binuksan nito ang isang drawer at kumuha ng isang pares ng medyas. Bumalik ito sa loob ng kwarto nito at umupo sa kama nito, sinundan niya ito at umupo sa tabi nito. Isinuot nito ang medyas nito at tumayo para kunin ang sapatos nito na nasa may pintuan. Agad naman nitong isinuot iyon.

"Tara na." yaya nito sa kanya. Hawak na rin nito ang bag niya at ang mga paperbag na naglalaman ng pinaghubaran niyang damit.

Sumunod siya rito at kinalabit ito. "Hindi mo ba ilolock ang kwarto mo?"

Umiling ito. "Bakit?" tanong niya uli rito.

"This place is safe." tipid na sagot nito.

She shrugged. "Okay. Tara na!" nakangiting yaya niya rito. Natigilan siya nang may maalala. "Uhm.. pogi.."

Tiningnan lang siya nito. "Ahehe. Wala pala." nagkamot siya ng batok at lumulan na sa elevator. Itatanong ko sana ang pangalan niya.. Huhu. Ang sungit niya masyado.

"Saan ka ba pupunta?" tanong nito sa kanya.

"Sa Meneses Corporation. May opening raw doon sabi ni Ma'am Marie Rose eh." she shrugged and pressed the ground floor button.

"Who is she?"

"Ah loyal customer namin iyon sa pinagtatrabahuhan kong restaurant. Grabe! Sobrang ganda niya at sobrang mabait pa. Nese kenye ne eng lehet sabi nga nila." nakangiting siniko niya ito.

Kumunot naman ang noo nito. "What?"

"Ang sabi ko nasa kanya na ang lahat. Siya na perfect! Ang ganda niya talaga. Actually, marami kaming magagandang customers sa Sabroso eh. Mga kaibigan at ka-village ni Ma'am Tiffany."

"Sabroso?"

"Yeah. Yun yung resto na pinagtatrabahuhan ko."

Lumabas na sila ng elevator at agad na tumungo sa parking lot kung nasaan ang kotse nito. Napansin niyang lahat ng kotse roon ay halatang pangmayayaman. Yung mga pangkarera sa TV ganun. Yung mga Mafia lang ang nakakabili. Charaught!

Pinagbuksan siya nito ng pinto at agad naman siyang sumakay. Lihim na kinilig siya. "Put your seatbelt on." she obliged.

Agad na sumakay na rin ito at ini-start ang engine ng kotse nito. Nagsuot rin ito ng seatbelt at agad na nag-drive. "Kung may trabaho ka na pala, bakit ka pa maga-apply?"

Napatingin siya rito. "Gusto ko rin naman magtrabaho sa office. Experience ba. Buong buhay ko kasi ay puro simpleng trabaho lang ang nagagawa ko. Maghugas ng plato, mag-tao sa convenience store, taga-linis ng banyo.. ang pinakamataas ko na siguro na posisyon ay waitress."

"Graduate ka ba?"

"Yup. Business Management."

Napatango ito. "We're here." sabi nito.

Napanganga siya nang makitang nasa tapat na nga sila ng Meneses Corp. Bigla siyang kinabahan. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan. She muttered a 'Thank You'.

"Let's go."

"Ha?" kunot noong tanong niya rito. Bakit siya sasama sa loob? Magpapaliwanag ba siya sa magiging boss ko o kaya sa HR kung bakit ako late? Wala naman akong appointment eh..

Ako'y Sa'yo At Ika'y Akin Lamang (Dark Vincent Meneses & Happee Love Castro)Where stories live. Discover now