PART31

26K 237 18
                                        

Madisson's POV

Lumipas ang ilang mga araw at masasabi kong unti unti ng nahuhulog ang loob ko kay Adam. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa taong sobrang bait,  maaalahanin, at gentleman na katulad niya ? Minsan nga sinurpresa niya 'ko sa condo. Magdadala ng pagkain , sleep over daw. Baliw ! Gusto lang maka score e .

Minsan ding nagising ako sa umaga dahil sa amoy ng ulam. Pagtingin ko sa kusinaandun na siya nagluluto. May susi na kasi siya ng unit ko ang vise versa. 

So anyways, andito ako ngayon sa unit niya. Pagkatapos ko kasing magpalit ng uniporme ay pumunta na agad ako rito . Nadatnan ko siyang nanuod ng tv pagpasok ko . " Hey " tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin at ang loko ang tamis ng ngiti . " andyan ka na pala, na miss kita agad "  tumayo ito at pumunta direksyon ko. Hinapit niya ko sa beywang at tumitig sakin . " Ang ganda mo talaga "  

Eto na nman siya sa pakilig niya . " Matagal na , ngayon mo lang yata napansin " sabi ko .

Tumawa lang siya. " so what's your plan? sa labas tayo mag dinner o dito nalang ?" tanong nito habang bumalik sa panunuod ng tv.  " dito nalang , tinatamad kasi akong lumabas " sabi ko .

Sinunod naman niya ang sinabi ko at nagpadeliver nalang . Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa sala . Umupo ako sa couch at siya naman humiga sa lap ko ." Mad, kailan mo ba ko sasagutin ? " anito habang nakapikit. Kung alam niya lang kung gaano ko kagustong ipagsigawan na mahal ko siya ." Bakit , aayaw ka na ba ? " biro ko . " ANO ? hindi ! i mean mag iisang buwan na kasi akong nanliligaw pero hindi mo pa rin ako sinasagot. " 

"Malapit na " sabi ko .Oo na ! Ako na ang OA at pakipot . Pero ginagawa ko to para i;sure sa sarili ko na kapag sinagot ko na siya. Yun bang masasabing mong mahal mo na hindi yung gusto mo lang siya.  Meron din akong taong gustong kausapin at yon ay si Tristan . Ayoko nang umasa pa siya na magkakabalikan kami. Nagpapadala pa rin kasi siya ng bulaklak at chocolates. Kung minsan naman ay tumatawag at nangungulit sa txt . Minsan na din kaming nag dinner dalawa. Noong una ayaw ni Adam pero sa bandang huli pumayag na rin ito . Lalaban daw siya ng patas. 

Masaya naman  kapag magkasma kami ni Tristan . Kahit papaano naman diba may pinagsamahan kami. Hindi rin ako naiilang sa kanya, pero iba pa rin talaga pag si Adam kasama ko. Doon ko nalaman na wala na talaga akong feelings sa kanya at si Adam na talaga ang mahal ko .

Nagbalik ako sa katinuan ng tinawag ako ni Adam . " ayos ka lang ? " Bakas sa mukha nito ang pag aalala .  " okay lang ako , hindi ka pa ba matutulog para makapagpahinga ka na " . Kasi lately subsob siya sa trabaho . "Nahh !  as long as kasama kita hindi ko nararamdaman ang pagod ." 

Syet . eto na namn siya sa mga banat niya . " pa kiss nga " anito sabay pout ng lips. Yumuko naman ako at hinalikan siya.  Pero hinawakan niya ang batok ko upang hindi ako makagalaw.  Then he deepened the kiss. Kusang gumalaw din ang mga labi ko upang sabayan ang paghalik niya.

Habol ang hininga naminpagkatapos ng halik na iyon. Umupo na siya at hinatak ako palapit sa kanya then he whiper " I love you ". I just hug him . kung alam mo lang Adam kong gaano kita kamahal. " i love you too " sa isip ko .

" Pwede bang dito nalang muna akong matulog ? tinatamad na akong bumalik sa unit e "  sabi ko sa kanya .  " Oo naman !" Tumayo ito at hinila ako papasok sa loob ng kwarto niya. " Tulog na tayo , hindi na ko makapaghintay maikama ka . Este , makatabi ka pala " ngingit ngiting sabi nito . 

NO STRINGS ATTACHEDWhere stories live. Discover now