Pagdating ni Madisson sa kanyang unit ay agad siyang pumunta ng kwarto at nagkulong. Tumulo din ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan . "bwesit ka !" napasigaw siya sa sobrang galit. Ngunit alam niya na may konting nararamdaman pa siya kay Tristan .
Muling nanariwa sa kanya ang mapait na alaala, yung araw na nakipaghiwalay ito sa kanya. 5 years ago .
_______________________________________________________________________________
FLASHBACK :
Maagang nagising si Madisson ng araw na iyon . Sobra siyang excited makita ang kanyang pinakamamahal na boyfriend , si Tristan . 3RD anniversary nila at napag desisyunan nilang i. celebrate ito sa park. ang lugar kung saan sila unang nagkita .
Tinitingnan ni Madisson ang regalo niya sa binata. Isa itong album. Nakalagay dito lahat ng pictures nila . Simula noong naging sila hanggang sa kasalukuyan . Nilagyan niya din ito ng letter na kung saan sinasabi sa laman nito kung gaano niya kamahal ang binata.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Tristan .
Calling Babe ...
"hello babe ? happy anniversary !!!!" buong pusong saad niya sa kanyang boyfriend .
"h-happy anniversary din. "
" hey, are you okay ? may sakit ka ba?"
" no im okay , infact excited na ko mamaya !"
" ako din , cge bye na , magpapaganda pa ko . I LOVE YOU BABE "
" I- I LOVE YOU TOO"
Binaba na ni Madisson ang kanyang cellphone . Pansin niya na parang malungkot ang boses ng kanyang nobyo pero hindi niya ito binigyan ng kahulugan .
Naligo siya at nagbihis . Sinuot niya nag isang puting dress na may waist belt . Naglagay din siya ng konting make up. Sabi kasi sa kanya ni Tristan ,di na niya kailangan pang magpaganda dahil maganda na daw siya sa paningin nito .
Kinilig naman si Madisson ng maalala ang katagang iyon. Si Tristan ang nagpabago sa kanya . Bratt kasi siya dati . Nagkakilala sila noong nasa 2nd year college na sila . Transferee si Tristan sa school nila noon. Parehas din sila ng kinukuhang kurso .
Nakarating na si Madisson sa park ngunit wala pa si Tristan . Naghintay siya ng 5 mins. 15 mins. 30 mins. hanggang sa umabot na ng isang oras ay hindi pa rin ito dumating. Nagsimula na siyang mag alala. Tinext niya ito ngunit wala siyang natatanggap na reply . Ilang beses na rin niya itong tinawagan pero hindi ito sumasagot. " GOSH , ASAN KA NA BA TRISTAN ?"
Napagdesisyunan niyang pumunta sa bahay nito . nagbabakasakaling andon ang binata , pero hindi pa siya nakakalayo ay may tumawag sa pangalan niya.
Madisson !!!!!!!!!!!!!!!!!!
Napalingon siya sa pinangagalingan ng boses at nakita niya si Tristan .
Tumakbo siya sa deriksyon nito at niyakap .
" ano bang nagyari sayo at bakit ngayon ka lang ? alam mo bang sobra akong nag alala sayo ?" saad ni Madisson .
" le-let's end this " Tristan
" hu-? ano ba yang pinagsasabi mo ? naka inom ka ba ? nga pala may regalo ako sayo , eto oh ! hapi anniversary !" kumalas sa yakap si Madisson at binigay ang regalo sa nobyo .
Ngunit nagulat siya sa sunod nitong ginawa.
" Ang sabi ko tigilan na natin to !!!" pasigaw nitong sabi kasabay nang pagtapon sa pinaghirapang regalo ni Madisson .
" h-huwag ka ngang magbiro ng ganyan Tristan , hindi nakakatuwa promise . " sabi nito at nagsisimula ng mamuo ang luha sa kanyang mga mata.
" i;m not joking Mad, maghiwalay na tayo. "
" ha ? b-bakit ? may nagawa ba akong mali ? te-tell me ." hindi a mapigilan ni Mad ang mga luha niya .
" wala kang nagawang mali , ako. ako yung mali . kasi gi--ginamit kita "
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Madisson sa narinig . Ginamit lang siya ni Tristan,
" ginamit lang kita para hindi ako ma bore sa pag stay dito sa pilipinas. "
" no ! hindi totoo yan !" Mad
" alam mo bang naiirita na ko sayo ? sa mga text mo ? sa mga tawag mo ? ha !" pasigaw na sabi ni Tristan
" cge na may pupuntahan pa ko " Tristan
Nagsimula ng maglakad papalayo si Tristan ng biglang yumakap mula sa likod si Madisson.
" no , hindi ako nanainiwala sayo , alam kong mahal mo ko . Sabihin mo , may nagawa ba kong mali ? promise kung meron man sorry . hindi ko na uulitin , wag mo lang akong iwan " halos pumiyok na si Madisson dahil sa kaiiyak , wala din siyang pakialam sa mga taong tumitingin sa kanila.
" please stop this shit Madisson . I don't love you anymore, ahh. hindi pala , I NEVER LOVED YOU !" pagkatapos niyang sabihin yon ay kinalas niya ang mga kamay ni Madisson at umalis .
Naiwang luhaan si Madisson sa park .
Simula ng araw na yon ay wala na siyang naging balita sa lalaki ,. Nalaman niya nalang isang araw na nag migrate na pala ang buong pamilya nito sa canada .
End of flashback
Nakahiga lang sa kama si Madisson habang nakatingin sa kawalan . Hindi niya namamalayan ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi . Hindi nagtagal ay nakatulog na din ito .
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AYAN GETS NIYO NA ???
VOTE AND COMMENT PO PLEASE !!!!!!!!!!!!!
Micaii :)
YOU ARE READING
NO STRINGS ATTACHED
RomanceWARNING : This story contains graphic sex scenes . I advise those people who have sensitive minds not to read this .
