“tumayo kana ipagtitimpla kita” tumayo nako pero sya nakaupo parin

“tayo mo ko…” tamad niyang sabi kahit kelan talaga to eh

Hinila ko yung kanang kamay niya at saka bumuwelo

“ano ba! Wag kang magpabigat!” kasi naman hinihila ko nagpapabigat pa ayaw tumayo!

“isa pa ah..pag ikaw di pa tumayo jan! isa…dalawa…tatlo!” sabay hila ng malakas

*BLAG!!!

Dahil sa sobrang lakas ng pwersa ko at bIgla siyang tumayo ay nawala ang aking balanse kaya naman imbes na tumayo ay pareho kaming napahiga sa sahig.

Napapikit nalang ako pero may naramdaman akong malambot sa ulo ko,minulat ko ang mata ko at nakita kong  sinalo ng kamay ni Franz yung ulo ko kaya hindi tumama sa sahig,pero…GOSH!!!

Yung pwesto namin! Nakapatong sakin si Franz at sobrang lapit ng mukha naming sa isa’t isa

Nararamdaman ko ang bawat hinga ng taong kaharap ko at may kaba akong nararamdaman

“okay ka lang Shane?” saka lang ako bumalik sa katinuan ng nagsalita na si Franz

“ha? Ah..O—o…” nahihiya kong sabi agad naman syang tumayo  at tinulungan din niya ko

Lumabas kami ng kwarto na parang walang nangyari, pinagtimpla ko sya ng malamig na kape at ginawa kong abala ang sarili ko para di ko maisip ang nangyari kanina

FRANZ POV

Muntik nanaman! Sayang! Hahalikan ko na dapat si Shane kaso bigla naman syang dumilat kaya di ko na itinuloy

Nasa byahe na kami ngayon at dahil nagkape ako ay di pa ulit ako dinadalaw ng antok,ditto ako nakapwesto sa likod ng driver seat katabi ko naman si Shane si kate at si ron habang nasa likod naman sila jheng at iba pang tropa at lahat sila bagsak na at mga humihilik

“sarap buhay ng mga kasama natin Franz no? nakakita ng alipin” sabi ni Johnson na nagdadrive  ngayon katabi niya sa harap si Pat na masarap din ang tulog

“hayaan mo na,pinatulog naman nila tayo kanina” sabi ko naman sila kasi yung gumawa at nagayos ng mga pagkain at mga gamit naming dala

SHANE POV

Malapit na kami sa pangasinan kaya magpapalit na si Johnson at Franz

“Shane tabihan mo na ditto sa harap si Franz para may kausap,wag mong gayahin si Pat na tinulugan lang ako!” reklamo ni Johnson

“ah kaya pala amoy panis na laway yang hininga mo” natatawang sabi ni Franz sa kanya

Akmang babatukan na ni Johnson si Franz ng itinaas nito ang kamao niya

“sige subukan mong ituloy yan Morgan,matitikman mo to” banta ni Franz sa kanya

“ikaw talaga kaibigang Oso di kana mabiro” malambing na sabi ni Johnson at inakbayan si Franz

“ano to? B1 at B2 lang?” natatawang sabi ni Kate

“tumigil ka jan Dodie!” sabay na sigaw ni Johnson at Franz at nag apir

Sumimangot  naman si Kate alam kasi niyang si Doding daga yung tinutukoy netong dalawang unggoy

***************************

Sa wakas! Nakarating narin kami sa rest house nila Franz ang layo pala pramis! Medyo naligaw pa kami ng konti dahil sa GPS ng van iba kasi nalikuan naming e

“pasok kayo guys! Wag kayo mahiya tayo lang nandito pati yung tatlong nagbabantay ng bahay” paliwanag ni Franz

Malaki yung bahay nila at malapit din sa beach pero may pool din sila sa loob na parang nakakonekta sa dagat “infinity pool” kung  baga

Nakakarelax yung lugar resort inspired talaga ang ambience hilig siguro talaga ng pamilya ni Franz ang pool at ang beach

Sa isang kwarto nalang daw kami magpahinga sabi narin ng tropa para daw makapagbonding kami ng sobra!

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now