Ika'y bulag--- bulag sa katotohanan.
Hindi nakikita ang tunay na kagandahan.
Tanging ang mga dungis iyong tinititigan.
Mga mata'y nakapinid sa mga katiwalian.
Opinyon ng iilan ang pinahahalagahan.
Ika'y pipi--- piping saksi sa katarungan.
Hindi naipapahayag ang nararamdaman.
Tango at iling lang ang kasagutan.
Bibig ay tikom sa mga kaganapan.
Kuro-kuro ay one-sided lamang.
Ika'y bingi--- bingi sa mga kaingayan,
Ngunit mga sutsot pinakikinggan.
Malakas ang pandinig sa sipsipan.
Sarado ang pandinig sa katahimikan.
Hinaing ng iba ay tinatanggihan.
Bungol sa mga iyakan ng karamihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/15786435-288-k607356.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
Mga Tula ni Makata O.
PuisiSi Makata O. ay isang taong maprinsipyo, kaaway ng mga liko at kakampi ng mga may puso.https://m2.facebook.com/profile.php?id=778085892247270&ref=bookmark