Sa isang grupo o barkadahan,
hindi naman talaga maiiwasan
na dalawang tao'y magkagustuhan.
Ang pakiusap lang ng samahan
kanilang aminin at pangatawanan
ang kanilang wagas na pag-iibigan.
Hindi naman sila hahadlangan
bagkus sila pa ay susuportahan
at gagawing lang namang katatawanan.
Paano naman nila mauunawaan
kung itatago nila ang nararamdaman
at ikukubli ang nabuong pagtitinginan?
Kapag seryoso na, idaan na sa kasalan
upang mga nguso nila ay mamantikan
at magkaroon ng kumpareha't kumarehan.
JE LEEST
Mga Tula ni Makata O.
PoëzieSi Makata O. ay isang taong maprinsipyo, kaaway ng mga liko at kakampi ng mga may puso.https://m2.facebook.com/profile.php?id=778085892247270&ref=bookmark