Abakada ni Makata O.

146 1 0
                                    

Ang mga liko ay kanyang tinatalo

Bawat tama, siya ay sumasaludo

Kabuktutan, kanyang binabato

Dahil ayaw niyang manatili ito,

Ebalwasyon niya, laging wasto

Galit sa may tinatagong baho,

Hambog, mapagmataas o palalo

Ibig niya'y bawat isa ay matino

Laging nakaabang; sumasaklolo

Madalas sa inaapi at ginagago

Nakikinig sa opinyong matalino

Ora mismo, magbibigay ng payo

Pasaring na salita, lagot kayo!

Ramdam ang bawat abang puso

Sasakay sa sayaw ng mundo

Tatandang may respeto't prinsipyo

Ulirang tao--- totoong makatao

Walang halong kaplastikan at biro

Yaman niya'y mga kaibigang totoo.

                                        




Mga Tula ni Makata O.Where stories live. Discover now