Para sa mga Kurakot na Kuripot

591 2 0
                                    

Mga gurong dakila, hindi nanlilimos at nakikiamot

Kundi nanghihingi ng sahod na disente at di panot

Kakarampot na umento, inyo pang ipinagdadamot

Puso't damdamin niyong kay tigas, nakakapanghilakbot!

Kay tataas ng sahod mga politikong gawain ay baluktot

Ngunit ang mga abang guro, inyong namang kinukuripot;

Mga tunay na nagmamahal sa bansa, buhay' masalimuot,

Samantalang, bilyong piso napupunta lang sa kurakot.

Serbisyong makatao kapalit ay pasuweldong kakarampot;

Huwag niyo naman silang ituring na mga babaeng haliparot

Misyong makamit ang kalidad na edukasyon, di nalilimot;

Itigil na niyo ang pagpapalusot at sa kanila'y pagpapaikot.

Itaas ang kanilang sahod, ibaba ang buwis na nakakatakot!

Kanilang dedikasyon, inyong suklian upang mithiin, di malagot

Ibigay sa kanila kung ano ang angkop, huwag kayong buraot

Upang ang bawat isa, hindi naghihikahos, hindi sisimangot.

Sa ating pinuno.. sila'y inyong dinggi't wag kang magpakabayot.

Magpakalalaki ka't lumayo sa mga kasabwat mong sumusutsot

Upang malaman at makita mo ang mga nagawang mong gusot;

At upang kapwa mo Pinoy, hindi ka matiris na kagaya ng surot.


Mga Tula ni Makata O.Where stories live. Discover now