Chapter 62

63 2 0
                                    

CHAPTER 62 💕

Pagkagising ko, natagpuan ko si Hubby na nakalayo na sa akin. Nakahiga lang sya. Pero ang ikinatawa ko ay nakayakap sa kanya si kuya Alexis. Yung isa naman nyang braso nakaakbay dito. Wahaha!

Tinakpan ko yung bibig ko para iwasan ang malakas na pagtawa. Kinuha ko yung phone ko at kinuhanan sila ng ilang pictures.

"Ui Lena anong... Wahahaha!"

"Shh C.A.",saway ko.

Nagtakip sya ng bibig. At ngingisi-ngisng itinuro ang sweet na sweet na si Hubby at kuya Alexis.

Wala pa rin ni isa sa kanila ang gumagalaw. Naabutan na sila nina Allen, Drake, ate Dayne at Andrea na nakaganun. Pare-pareho pa sila ng reaksyon. Syempre tumawa.

Naku kawawa naman ang fiancé ko. Napagtawanan na. Magising na nga.

Hahawakan ko na sana si Hubby kaso bigla naman syang gumalaw. Kasabay pa nya si kuya Alexis.

Patay.

Pareho silang nanlaki ang mga mata nang makita ang pwesto nila sa isa't-isa. Para maghanda, itinakip ko na yung dalawa kong palad sa magkabilang mga tenga.

"WAHHHH!!!!",sabay nilang sigaw at sabay na bumangon at tinulak ang isa't isa. At dahil nasa pinakagilid si kuya Alexis, nalaglag sya sa kama.

Tinanggal ko na yung kamay ko sa tenga at tumawa nalang. Haha... Laughtrip talaga sila.

"Ang ingay ano ba yan!",angal ng nagising na si Mark.

Nagising na din yung iba. Grabe tawa pa rin ako nang tawa. Sa di ko mapigilan eh.

"Ang sweet nyo.",asar ko.

Nilingon ako ni Hubby. Mula kay kuya Alexis na tunatayo habang nakahawak sa bewang, nalipat ang tingin ko sa kanya. Nginisihan ko naman sya.

"You made fun of your fiancé? Seriously Wifey?",sabi ni Hubby.

Lalong lumaki ang ngisi ko at ipinakita sa kanya yung nakunan kong picture. Nagtawanan sina C.A.

"Yuk Bry! Sana naman hindi mo ako hinalikan noh?",sabi ni kuya Alexis habang pinapagpagan yung buhok nya.

"Ew. In your dreams! Ikaw nga nakayakap oh!",sabi ni Hubby sabay tapat nung phone ko sa muka ni kuya Alexis.

"Parang hindi sya.",sabi ni kuya Alexis.

"Grabe Bry. Nakakatawa talaga kayo!",sabi ni C.A.

"Bromance.",asar ni Drake.

Sinamaan sila ng tingin ni Hubby. Tapos sakin naman sya tumingin.

"Happy Wifey eh noh?",sarcastic nyang sabi.

Nakangisi akong tumango.

Napabuntong-hininga naman sya.

Tumawa ako at inakbayan sya. Tapos kinurot sa ilong.

"Hayaan mo na. Napasaya nyo naman kami.",sabi ko.

"Goodness baby.",bulong nya.

Tumawa lang ulit ako.

"Kadiri naman kayo.",natatawang sabi ni Allen. "Aya yakapin mo na nga lang ako."

Ngumiti si Tanya at niyakap nga si Allen.

"Kiss?",sabi pa nito. Kiniss naman sya ni Tanya. Sa labi.

"Good morning kiss!",masayang sigaw ni Mark.

"Here we go again.",naibulong ko nalang.

Tinignan ko si Hubby. Nakasandal lang sya doon sa headboard ng kama. Nakahalukipkip at nakamasid sakin. Waiting?

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon