Chapter 61

66 2 0
                                    

CHAPTER 61 💞

Pagkatapos ng mahaba-habang kwentuhan, nagpaalam na rin sina Harper para umuwi.

"January 5 Lena ah. Bry, punta kayo.",sabi ni Tristan. Birthday nya kasi. May party-party sa bahay nila. Well kahit hindi naman na sya mag-imbita, paniguradong dagsa na doon ang mga party people.

"Sure. Sasama ko sina Jason.",sabi ni Hubby.

"Ayos!",sabi ni Tristan tapos nagfist bump sila. Kita mo yun. Kanina parang ilag pa sila sa isa't isa ngayon naman invite-invite na?

"Sige Lena. Babye.",sabi ni Red.

"Bye. Ingat kayo.",sabi ko.

Nagpaalam na rin sina Harper at Tristan. Pagkatapos ay sumakay na sila sa sasakyan at nagmaneho pauwi.

"Okay. So it's just me and you.",sabi ni Hubby sabay patong ng kamay nya sa ulo ko.

"Obviously.",sabi ko at naglakad na pabalik sa sofa. Nalaglag yung kamay nya sa ulo ko.

"Why are you so masungit today huh? Is it the time of the month?",sabi nya habang nakasunod sakin.

Nahiga ako sa sofa na parang kama na kabibili lang ni Lolo last week. Malaking sofa sya pero parang maliit na kama. Yung kapag humiga ka, hanggang kalahati lang ng legs mo ang magkakasya doon. Hai basta! Pangrelax talaga sya.

"Time of the month? I'm not having PMS! Baliw.",sabi ko.

Tumawa naman sya at nahiga rin sa tabi ko.

"Then why is my baby masungit?",sabi nya sabay patong nung braso nya sa tyan ko.

"Hindi naman ah.",sabi ko.

Ngumuso sya.

"You are. Hindi mo ako pinapansin kanina.",sabi nya.

Tumagilid ako para makaharap sa kanya.

"Kasi po may mga bisita. Alangan namang ikaw lang asikasuhin ko?",sabi ko.

"Dapat.",sabi nya sabay sandal nung noo nya sa noo ko.

"Hala ang arte nya.",asar ko.

"Ako baby mo eh, diba?",sabi nya.

"Si Brylen kaya.",sabi ko.

"Kay mommy yun.",sabi nya.

"Si Ashton.",sabi ko.

"Ate Mayton.",sabi nya.

"Macky.",sabi ko.

"Maricar.",sabi nya.

"Bryle.",sabi ko.

Ngumiti sya.

"Kay Lena."

Bahagya kong natawa.

"Ang laki-laki mo na eh. Hindi ka naman na baby.",sabi ko.

"Baby face naman ako diba? Kaya okay lang.",sabi nya.

"Yabang.",natatawa kong sabi.

Pero totoo naman yun.

"Baby mo ko.",sabi nya sabay nose to nose sakin.

"Fine. As 'my baby' wish.",sarcastic kong sabi.

Bahagya naman syang tumawa.

"OMG!!!! MY EYES! MY EYES!"

Napabalikwas kami ni Bry sa pagkakahiga sa biglang sumigaw. Si C.A na nakatayo sa may tapat namin di kalayuan habang nakatakip pa ang mga mata. Sa likod nya sina Drake, Mark, Tanya, kuya Alexis at Lee na natatawa.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Where stories live. Discover now