Chapter 50

83 2 0
                                    

CHAPTER 50 💞

Pagkatapos namin kumain ni Hubby doon sa carenderia at magpaalam kay Maricar, sumakay na ulit kami sa motor at gumora. Medyo humahapon na. Ang lamig-lamig. Lalo na nung napadaan kami sa Tagaytay. Pero ang mas masaya, yung video ko.

"Say hi to the camera Hubby!",sabi ko habang nakafront cam yun at nakaharap saming dalawa. Tinry ko 'tong bigay na mono pod ni ate Dayne.

"Hi camera.",sabi ni Hubby. Natawa nalang ako.

"Kanta ka dali!",sabi ko.

"Anong gusto mo?",tanong nya.

"Bahay kubo.",natatawa kong sabi.

"What?",kunot noo nyang sabi.

"Bahay kubo... Kahit munti..." Tapos tinuloy ko lang. Nakakatawa si Hubby kasi di nya alam yung ibang lyrics. Palibhasa sa States nag elem,walang naiturong ganyan sa kanila. Hindi pa ako nakuntento sa video ko.

"Hello camera! Eto si Bryle. Gwapo diba?",sabi ko.

Tumawa naman si Hubby.

"Fiancé ko 'to. Mabait sya, tsaka talented, tsaka matalino. Kaya di ko 'to ipagpapalit kahit na kanino. "

"Aww... Nice poem baby.",natatawang sabi ni Hubby.

"That's not a poem. Aksidente lang nagrhyme. But anyways I mean my words. I love you Hubby!"

Natawa na naman sya.

"I love you more Wifey.",sabi nya.

Isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya.

"Babye camera! Muah!",sabi ko at inistop na yun. Itinago ko na yung phone ko at nakipagkwentuhan nalang kay Hubby habang bumabyahe kami. It's so nice to be with this guy.

Pagdating namin sa bahay, ibinaba nya lang ako, pagkatapos ay dumiretso na sya pag-uwi. Maghapon na kaya kaming magkasama. Dapat naman talaga na umuwi sya sa kanila ano!

~*~

Monday again.

School again.

May practice kami ni Harper mamaya after lunch. Yun lang kasi ang free time ko today. This coming Saturday na yun kaya puspusan na talaga ng paghahanda namin.

Pagkatapos ng lahat ng klase ko, pumunta na ako sa may cafeteria para intayin si Hubby. Ang tagal-tagal naman eh! Naghahabol kasi ako ng oras dahil may practice pa nga kami. Tsaka may klase pa din si Harper. Nakakhiya naman.

"There you are Wifey.",sabi nya nang nakalapit sa akin.

"Hubby! Ang tagal ah.",sabi ko.

"Oh. Sorry. Kasi naman nag---"

"Bilisan na natin. Kasi Hubby may practice pa kami.",sabi ko.

"O-Okay.",sabi lang nya at hinila na ako sa isang table. Sandwich nalang yung pinabili ko dahil wala na akong time na kumain pa ng mas mabigat na pagkain dahil practice na kaagad.

"Baby mabubusog ka ba nyan? Isang sandwich?",tanong ni Hubby.

"Sa bahay nalang ako babawi. Mahuhuli na ako sa practice eh.",sabi ko at isinamual na yung huling kagat sabay inom ng tubig. "H-Hubby... Can I go now?",paalam ko. Kumakain pa kasi sya. Pero kasi kailangang-kailangan ko na talagang umalis. One hour practice lang yun para ngayong araw, kaya malaking kabawasan kung malelate ako.

"As in now?",tanong nya.

Mabilis akong tumango. Bumuntong-hininga sya.

"Okay.",sabi nya.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Where stories live. Discover now