Chapter 46

71 1 2
                                    

CHAPTER 46 💕

Selena's POV

"Wifey... Wifey..."

Naalimpungatan ako sa mainit at marahang pagtapik sa pisngi ko. Agad akong nagmulat ng mata, na agad ko rin pinagsisihan. Si Bryle na nakaupo sa carpet katabi ko habang nakatingin sakin. Nakatulog na pala ako dito sa paggawa ng homework. Hindi ako nagsalita at tumayo na at nagsimula nang magligpit ng mga gamit.

"Baby hey...",sabi ni Bry sabay hawak sa braso ko.

Matalim ko syang tinignan at binawi ang braso ko at nagpatuloy sa pagliligpit. Akala ba nya nakalimutan ko na yung kasalanan nya? Inindian lang naman nya ako! No call no text?!

"Wifey I'm sorry okay? Nagkaroon lang ng emergency kaya hindi kita nasundo.",sabi nya.

Emergency? Wag nga nya akong pinaglololoko. Hindi ko sya pinansin at binitbit ko na yung bag at mga gamit ko paakyat. Sumunod naman sya.

"Wifey naman talk to me please?",malambing nyang sabi.

Bahala ka sa buhay mo Bryle!

Pumasok ako sa kwarto ko at ibinaba yung mga gamit ko sa study table. Sumunod pa rin sya.

"Baby wag naman silent treatment oh... Please talk to me.",sabi nya sabay hablot pa nung kamay ko.

Ayaw mo ng silent treatment ah?

Humarap ako sa kanya at binawi yung kamay ko.

"Bry bakit hindi mo manlang naisipan tumawag o magtext manlang na hindi mo ako masusundo? Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko ha? Alam mo ba na dahil sa ginawa mo kinailangan kong magtricycle at makipagsiksikan sa jeep makarating lang ng campus? At dahil din dun nalate ako sa first class ko kung saan may major exam ako na hindi ko natake kaya nakakuha ako ng automatic na zero. Para akong tanga na naiyak nalang dun sa sobrang frustration sa nakuha kong score at sa pag-aalala sayo! At kalat na kalat yun sa buong campus alam mo ba?!"

Hindi ko na naman napigilan maiyak. Nakakainis! Tinignan lang ako ni Bry sa namumungay na mga mata.

"Hubby saan ka ba nanggaling ha?",mahinahon kong nang tanong. "Alam mo ba na maghapon akong nag-iisip kung ano nang nangyari sayo? Kung bakit hindi kita macontact. Pinag-alala mo ko eh.."

Napatungo lang sya. He look guilty. Pero mas naguguilty ako na sinisi ko pa sya sa pagkalate ko. Jusme naman Lena! Lumapit ako sa kanya at kinuha yung kamay nya. Tapos gamit yung isa kong palad, marahan kong iniangat yung ulo nya sa may baba.

"Hubby okay na. Hindi na ako galit. Basta kasi wag mo nalang uultin ha?",sabi ko at binigyan pa sya ng magaang halik sa noo. Hindi sya nagsalita at tinitigan lang ako. Ilang saglit lang...

"I-I still want to explain.",sabi nya.

Bahagya lang akong ngmiti at tumango.

"Makikinig ako.",sabi ko at hinila sya paupo sa kama ko.

Ipinaliwanag nya sa akin kung ano ba talagang mga nangyari kanina. At hindi ko napigilang mapangiti sa mga narinig ko.

"W-Why are you smiling? Shouldn't you be mad na mas inuna ko pa...",napatungo sya. "Inuna ko pa yung iba sayo?"

Nagbibiro ba sya?!

"Hubby I am smiling because I feel proud." Tumunghay sya. "I feel proud na meron akong fiancé na kasing gwapo at kasing bait mo!",sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

Tumulong naman pala sya kaya sya nalate eh! Kay bait-bait naman ng Hubby ko! Nang kumalas ako sa kanya, nakita ko na yung ngiti sa mga labi nya.

"You aren't not mad already?",tanong nya.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Where stories live. Discover now