Chapter 59

88 1 1
                                    

CHAPTER 59 💕

Nagpunta na ako doon sa gymnasium. Asan na ba yun sina Hubby? Pagdating ko sa may entrance, andoon si Hubby sa may gate nakaabang.

"Ui Hubby!",tawag ko.

Nilingon nya ako. Tapos yung mata nya tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tapos sa muka ko ulit. Tapos ngumiti sya.

"That's more like it.",sabi nya at hinawakan na ako sa kamay. Sinundan ko sya paakyat doon sa bleachers. Pinagtitinginan na kami. Okay lang. Nasanay na rin naman ako.

"Ui Lena! Wahhh!! Ang hot mo!",bungad sakin ni Tanya sabay kurot pa sa tagiliran ko.

"Hey.",react ni Hubby sabay pulupot nung braso nya sa bewang ko. Hinawakan nya yung part na kinurot ni Tanya.

"Asus! Overprotective mo!",natatawang sabi ni Tanya.

"Sexy mo kanina Lena. Swerte ni Harper!",sabi ni Calvin.

Bigla namang nagdilim ang paningin ni Hubby.

"Loko ka Calvin! Part lang yun ng steps!",sabi ko.

"Alam ko. Sinabi ko lang naman swerte sya eh.",sabi nya.

"Mas swerte naman si Bry. Di na nya kailangan magpractice. Tignan mo naman!",sabi ni C.A sabay nguso sa braso ni Hubby na nakapulupot pa rin pala sa bewang ko.

"Thanks C.A.",sabi ni Hubby. "Hawak-hawak pa sayo yun. Sapakin ko sya eh.",bulong sakin ni Hubby.

Nanlaki naman ang mga mata ko at napalo sya sa braso. Tinanggal nya yung braso nya sa bewang ko.

"Part ng sayaw diba?",sabi ko.

"Kahit pa. Tsaka yung emcee. Isa pa yun eh.",sabi nya.

"Para yun lang. Picture lang naman.",sabi ko.

"Crush ka nya eh.",sabi nya.

"Crush ko ba sya? Tsaka ano ba namang inaangal mo eh diba nga pinagsigawan ko na kanina na ikaw ang love of life ko?",sabi ko. Actually bulungan ang ginagawa namin. Yung malapit sa isa't isa. Maingay kasi.

Yung sibangot nya unti-unting napalitan ng ngiti.

"Yeah. About that. I was so overwhelmed. I love you baby.",sabi nya at kikiss sana sa pisngi ko pero agad akong umilag.

"Try to steal! Plus one week ka sakin.",sabi ko sabay ngiti ng matamis. "I love you too."

Napapout sya bigla. Haha ang cute.

"Ang daya.",bulong nya.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na sa panonood. Grabe ang galing nina Harper. May mga kumanta pa. Kasalukuyan ngayong kumakanta si Heidi. Ewan. Hindi ko naman sya kilala. Nagpakilala lang sya bago kumanta. Naggigitara sya habang kumakanta ng Domino. Ang galing. Di ko tuloy napigilag mapasabay at mapasayaw na din.

"You spin me out of controooolll!!! Ooh. Ooh. Ooh. Ohh..",halos isigaw ko na yan. Paano ganun rin yung ginagawa ng ibang estudyante. Nakikisabay lang ako. Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Hubby na nakatingin sakin habang nakangiti. "Make this dream the best I'd ever known..."

Nang matapos na yung kanta, naghiyawan kami at nagpalakpakan. Sunod naman ay mga nagmagic.

"Wow! Ang galing!",masayang-masaya kong sabi habang pumapalakpak pa nang yung kalapati doon sa painting naging totoo. "Paano kaya gumawa ng ganyang painting?",nasabi ko nalang.

Narinig ko namag tumawa si Hubby.

"Tanong natin mamaya.",sabi nya.

Excited naman akong tumango habang titig na titig pa rin sa nagmamagic doon sa ibaba. Hindi ako nahihirapang manood kasi may malaking t.v na nakasabit sa tapat lang ng pwesto namin. Sunod naman nagsayaw sina Yulene. My goodness. Sya na talaga ang hooot. Sizzling. Sumasayaw sila ng Love me Like you do. Tatlong pares sila doon. Ang sexy ng sayaw nila. Kaya ako, nakanganga nalang habang nakaupong nanonood. Nilingon ko si Hubby. At laking gulat ko nang mapagtantong hindi naman pala sya nanonood dahil sakin sya nakatingin.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ