Chapter 43

65 1 1
                                    

CHAPTER 43 💕

Selena's POV

"Hello there hottie."

Napatingin ako sa nagsalita. May lalaking nakatayo sa harap ko. Sino bang kausap nito? Luminga-linga ako sa gilid.

"Well I am referring to you baby.",sabi nya.

Baby? Yuck baby?! Si Bryle Esguerra lang ang may karapatang tumawag sakin nun ui!

"Uhm...Okay.",sabi ko lang.

Bahagya syang tumawa.

"You want to swim with me?",sabi nya.

Malanding lalaki! Akala mo papatol ako sayo? Duh! Sa asar ko, itinaas ko yung left hand ko sa harap ng pagmumuka nya para ipakita yung singsing ko.

"I'm engaged.",diretsahan kong sabi.
Tapos hinanap ko yung pwesto ni Hubby. Nakaupo sya kasama nina Lolo. Tinuro ko sya doon sa lalaki.

"Nakikita mo yun?",sabi ko kay kuya. Tumingin sya sa tinuturo ko. "Yun. Yung gwapong yun na may malaking katawan. Yun ang fiancé ko."

Ibinaba ko yung kamay ko at humarap sa kanya.

"Alam mo kapag may nakikita yung lalaking lumalapit sakin,bigla-bigla nalang nanunugod at nanapak!",sabi ko habang sumusuntok pa sa hangin. Para mas maaksyon ang kwento ko. "At hindi lang yun. Nanadyak din sya. Yun bang talsik talaga!",sabi ko habang nagpapadyak pa. Lumaki yung mata ni kuya. Panalo! Antakot eh.

"Well,okay. Uhm...I'll get going now. Bye.",mabilis nyang sabi at umalis na.

Wahahaa! Uto-uto.

Pag-alis nya,naglakad na ako palapit doon sa dagat. Tinanggal ko yung sarong ko at nakijoin na sa mga pinsan kong magswimming.

Nagbasaan kami at nagtampisaw doon. Bakit hindi nakikijoin ang boys?
Medyo matagal din kaming nagbabad. Ilang saglit lang,naisipan na rin naming umahon. Pumasok na muna kami sa bahay para magbanlaw. Nang matapos na akong magbanlaw at magpalit,bigla nalang akong nakaramdam ng hapdi sa balat ko sa likod at braso. Humarap ako sa salamin at tinignan yung braso ko. Hala! May sunburn ako!

"Oh my god Lena!",sigaw ni ate Mayton nang makita yun. "You didn't wear sunscreen didn't you?"

Ai tanga. Oo nga pala.

Iling nalang ang naisagot ko. Ano ba yan ang abnormal ko.

"Oh Lena. Halika aaplyan natin ng gamot.",sabi nya at hinila ako palabas ng c.r. at pinaupo sa sofa sa sala. Buong resthouse kasi 'tong binayaran ni Lolo kaya may sala."Wait ha. I'll just get it up stairs."

"Okay ate. Thank you.",sabi ko.

Tumango lang sya at nalakad na paakyat. Ang hapdi ah.

"Hi Wifey!",sabi ni Hubby na bigla nalang sumulpot sa kung saan at naupo sa tabi ko.

Dali-dali naman akong sumandal doon sa sofa para takpan yung mga namumula at unti-unting namamalat kong braso. Nakasando pa naman ako. Mamaya na ako mapapalit. Di ko nama kasi alam na may sunburn na pala ko.

"Ah..Hello.",sabi ko.

Kumunot ang noo nya.

"What?" -ako

Tinitigan nya ako. Tapos lumibot-libot pa yung mata nya. Aba talagang!

"Lena eto na!",sabi ni ate Mayton na pababa ng hagdan.

Ate naman! Wag mo naman akong ibuking.

"Ano ate...mamaya na po. Hehe...",sabi ko.

Kumunot ang noo nya.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Where stories live. Discover now