CHAPTER 53

11.9K 168 4
                                    


CPFH 53

Jeff's POV

It's been a week simula nung tinanggihan ni Clarisse yung proposal ko.. Oo tinanggihan niya. At hindi na din kami nagpapansinan kahit nakatira kami sa iisang bahay kasi wala naman na si Angel dito sa bahay dahil nakabili na siya ng sarili niyang condo unit. Nahihiya daw siya dito.

Minsan nalang din ako pumunta sa bahay. Bakit pa diba? Ganito kasi yung nangyari...

Flashback

Wednesday ngayon at maagang umuuwi pag ganito si HonKo. Kaya naman ala-una palang umuwi na ako ng bahay para makapaghanda para sa proposal ko sa kanya. I planned na dito nalang sa bahay dahil masyadong uso na kasi yung sa resto o kaya sa yate. Kaya dito nalang sa bahay.

At nung narinig kong pumarada na yung sasakyan niya ay pumunta na ako sa pintuan para salubungin siya.

"Hi HonKo, how's your day? Anyway, for you!" sabi ko nung pagkabukas niya at inabot ang boquet ng pink rose.

"Papatayin mo ba ako sa gulat? Woooh!" sabi lang niya at inirapan ako.

"Sorry na HonKo, tara kain tayo may hinanda ako." sabi ko lang, remember sa terrace namin sa taas?

Nakaayos na yun at handa na ang lahat. Hehe.

At nang nakarating kami doon..

"Wow, anong meron?" tanong niya ng makita ang hinanda ko doon.

"Gutom ako?" lokong sabi ko nalang. Pinaupo ko muna siya saka ako umupo.

"Ikaw Jeff ah, tapatin mo nga ako anong meron?" tanong niya ulit

"Let's eat first, pampawala ng kaba." sabi ko nalang at yung kumain muna kami.

At nung natapos na kaming kumain ay kahit papano nawala ng kaunti ang kaba ko.

"Look, Clarisse, HonKo. Alam mo namang mahal na mahal kita diba? At hindi ko kakayaning mawala ka sa'kin. Will you marry me? Again?" sabi ko at lumuhod sa harap niya sabay bukas nung maliit na box.

Nakatulala lang siya sa akin tapos biglang lumungkot ang expression ng mukha niya. "Je-Jeff.. I'm sorry." mahinang saad niya at naiiyak.

What? Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Jeff, ayoko na kasi. I'm sorry." sabi nya ulit

"Hindi mo na ba ako mahal? Kailangan ko bang manligaw?" tanong ko

Umiling lang siya habang pinipigilan ang mga luha niyang anumang oras ay tutulo na.

"I'm sorry." yun lang ang huling saad niya saka tumayo na at lumabas na habang ako naiwang nakaluhod pa din..

End of Flashback

At ngayon, nandito ako sa bar. Kasama ko si Mikael at yung kapatid ko.

"Ang sakit lang kasi, akala ko..akala ko..huh, akala lang pala." sabi ko lang. Oo medyo may tama na ako..

"Easy pare, baka naman kasi nabigla." Mikael said

"Oo nga kuya, mahal na mahal ka ni Miss beautiful eh." sabi naman ni Jayson

"Mahal niya ako? Nga ba? Bakit kailangang tanggihan niya ako?" sabi ko ulit..

Mikael's POV

Miss me? tagal kong nawala noh? Ewan ko ba dito sa author, lulubog, lilitaw ako eh. Pagalitan niyo sya.wahahaha, joke lang labyu:)

Ewan ko ba kung anong problema netong mag-asawa na 'to. Buti pa ako walang problema sa buhay. Ahy meron pala dahil ayaw ding magpakasal sa'kin ni Shane. Pero okay naman kami sa set-up namin at ng anak namin. Okay nga ba, ahy ewan din.

"Mga kuya una na ako ah si Krystal kasi nagtext. Pag hindi daw ako umuwi ngayon ay hindi ko na sila makikita ng anak namin. Cge." sabi ni Jayson. Oo tama yan! Kaya tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Pre, anong gagawin ko?" tanong nya

"Palipasin niyo muna, kung handa niyo nang pag-usapan ulit saka kayo mag-usap ng matino." sabi ko naman

"Tara na uwi na tayo baka magagalit ang mag-ina ko." sabi ko.

"Buti ka pa pre, may naghihintay na mag-ina mo dun. Eh ako, tinanggihan." sabi niya tsaka tumungga ulit. Hindi nalang ako nagsalita, ano namang kasing sasabihin ko diba?

Hanggang sa tumba na talaga siya kaya naman inakay ko nalang siya at hinatid hanggang sa bahay nila.

"Salamat Mikael ah." sabi ni Clarisse

Tumango nalang ako.

"Mag-usap naman kasi kayo pati ako nadadamay. Cge uwi na din ako." sabi ko nalang..

Clarisse's POV

"Mag-usap naman kasi kayo pati ako nadadamay. Cge uwi na din ako." sabi ni Mikael at umalis na din.

Habang ako nakatayo pa din habang nakaakbay 'to sa'kin..

"HonKo mahal na mahal kita." sabi niya lang at yun nakarating naman kami sa kwarto

Hindi naman siguro magsusuka 'to diba? Inalis ko muna yung sapatos niya. Papalitan ko ba lahat 'tong suot niya? Sige na nga, kaya yun pinalitan ko na, syempre na nakapikit..

At nung natapos na ay tatayo na sana ako para pumunta sa kabilang kwarto nang bigla niyang hinawakan yung kanang kamay ko.

"HonKo, miss na kitang katabi bakit hindi kana dito natutulog?" saad niya habang nakapikit ang mga mata. Yung totoo? Lasing ba talaga 'to?

At hinila na niya ako papahiga sa tabi niya tsaka niyakap na ako.

Yeah, maybe I rejected his proposal but it doesn't mean that I don't love this guy anymore. I love him so much pero natatakot ako. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari..

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon