CHAPTER 22

16.8K 218 14
                                    


Chapter 22

Mikael's POV

Pag-uwi ko galing kina Clarisse ay tinawagan ko agad si bespren na pumunta sa bago kong condo at may ikukwento ako. Pagdating ko sa condo ko ay nandun na agad siya.

"Ang aga ah!" bati ko nang makita ko siya. May spare key kasi siya netong condo ko. Syempre bespren kami niyan eh.

"Ikaw naman ang laging late sa'tin eh." sabi niya, oo na ako na ang laging late.

"Oh ano ang sasabihin mo? Nakakainis ka naman eh, imbes na matutulog na ako eh. Kailangan ko ng beauty rest because I have a photoshoot tomorrow." saad niya.

"Don't worry bespren, maganda ka pa rin kahit walang tulog. At pwede ka namang matulog sa isang kwarto jan." sabi ko nalang

Nag-roll eyes lang siya. Mga babae talaga, ang hilig mag ganun.

"Ano na yang ikukwento mo?" pag-iiba na niya ng usapan.

"Bati na kami." panimula ko.

"So? Masaya ka na?" inis niyang tanong.

Alam niya kasi kung pano ako nagdusa nung iniwan ko siya tapos nung nalaman kong may asawa na pala siya.

"Syempre, let's toast bespren." sabi ko at binigay sa kanya ang wine na hinanda ko. Kinuha naman niya ito at nakitoast. Pero yung toast niya, parang galit lang.

"Parang galit lang sa baso ah! Okay ka lang bespren?" tanong ko

"Eh ikaw kasi eh, ganun ganun nalang yun? Parang walang nangyari?" sarcastic niyang tanong.

"Bespren, alam mo ba yung salitang 'magparaya'? Kung totoong mahal mo ang isang tao gagawin mo kung saan siya sa tingin mong sasaya. Sabi nga nila, Love is when the other person's happiness is more important than your own." sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Wow bespren, Ikaw ba 'yan?" sarcastic niyang saad.

"Toast ulit tayo." sabi naman niya saka tinaas ang baso. "Para sa mga sawi sa pag-ibig." sigaw niya.

"Para sa mga nagmahal lang." sabi ko nalang at nag toast na kami

"So anong balak mo ngayon?" tanong niya bigla

"Anong balak? Syempre wala. Magkaibigan na kami eh, ano bang ginagawa ng magkaibigan?" sabi ko nalang

"Hmmm bahala ka nga." pagsusungit nya

"Uuy, selos ang bespren ko oh! Ikaw naman syempre ikaw lang ang nag-iisang bespren ko." sabi ko tapos niyakap ko siya

"Leche! Alis ka nga, ang baho mo." sabi niya kaya napa-amoy ako sa sarili ko.

"Hindi naman ah." sabi ko at pinaamoy sa kanya ang mga braso ko at kili kili. Hahahaha!

"Yuuuuck! Kadiri ka talaga Mikmik." sabi naman agad niya habang tinutulak ako.

Ganyan talaga kami ng bespren ko. Hahaha. Syempre sanay na kami sa isa't- isa niyan. At nung napagod kami sa tawanan, kwentuhan at kilitian, umuwi din siya.

Shane's POV

"Psh!" yan nalang ang nasabi ko nung pagkasara ko nung pinto niya.

Walang balak? Hindi na ba niya kukunin ang sa kanya? Kasi ako kukunin ko pa din ang dapat ay sa'kin at yun ay si Jeffrey Kent Perez. No matter what, basta sa'kin pa din siya. Hindi ako makakapayag na basta-basta nalang ganun, kung si Mikmik ay nakipagbati syempre dapat ako din.

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon