CHAPTER 48

12.4K 179 5
                                    


CPFH 48

Clarisse's POV

Naramdaman kong tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa paligid at nasa isang lumang resort na parang hunted. Waaah, nakakatakot tsaka magdidilim na kaya. Binaba na nila kami sa van at inalis na ang mga panyo sa bibig namin.

"Hoy Jeff! Anong kalokohan 'to? May kaaway ka ba?" tanong ko sa kanya

"Wala akong kaaway." mabilis naman niyang sagot.

"Oh baka naman may nabuntis ka?" gulat kong tanong sa kanya

"Bakit ba 'yan ang iniisip mo? Wala akong nabu—" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi may nagsalita kung saan.

"Talaga Mr Perez? Anong tawag mo sa anak kong nabuntis mo?" sabi nung lalaking matanda.

"HUH? Mr. Park? Ikaw ang nagpakidnap sa'min?" pasigaw na tanong ni Jeff sa matanda.

"JEEEEEFF! Waaaaaah, may nabuntis ka nga ikaw babaero ka talaga kahit kailan." sigaw ko at sinipa-sipa siya dahil nakatali ang mga kamay namin. Yung mga lalaking nasa likod ko naman ay nakahawak na sa'kin habang pinagsisipa ko pa rin si Jeff.

"Aray-aray, wala nga. Paanong--- teka Mr. Park, pa'no ko naman mabubuntis ang anak niyo eh hindi ko nga kilala." saad pa ni Jeff

"Anong hindi kilala? Teka teka nga." sabi nung matanda at sinagot ang cellphone niyang tumutunog.

'Hello anak, asan ka na ba? Nandito na siya oo nga, ang tagal mo kasi, cge cge, bilisan mo.' sabi niya at binaba na

"JEEEEFF, Waaaaah, may naanakan ka nga. Pano na ako?" sigaw ko ulit

"MANAHIMIK KA NGA! Ikulong niyo nga muna yan dun sa likod" utos ni matandang Park, waaaaah, ikukulong daw ako.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAH, Jeff ikukulong daw ako. Waaaaaaah!" sigaw ko ulit.

"Teka teka.." sabi naman ni Jeff

"Sige na ikulong na 'yan ang ingay. Ikaw jan ka lang." utos ni matandang Park kay Jeff habang ako hinawakan ng dalawang lalaki papunta sa likod at tinali yung dalawang kamay ko sa may puno.

Jeff's POV

"Mr Park, hindi ko po talaga alam ang mga sinasabi niyo." sabi ko nung pinunta na si HonKo sa likod.

Mr Park is one of our investors at hindi ko din alam ang mga pinagbibintang niya sa'kin. Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng anak niya, tapos sasabihing nabuntis ko?

"Matapos mong makuha ang gusto mo nagpakasarap ka lang? Tapos sasabihin mong hindi mo alam?" sabi niya sa'kin at galit na ang mukha niya.

"How come na ako ang nakabuntis sa anak nyo eh ang asawa ko lang ako nakikipagtalik." proud kong sabi sa kanya

"Tarantado ka pala eh hindi mo maalala? Yung sa boracay." sabi ni Mr Park, Boracay?

"DAD, where is he?" biglang sulpot naman ng babae sa pintuan na napatingin kami.

"Oh anak nanjan ka na pala, ayan oh!" turo sa'kin ni Mr Park.

Okay I don't know who is she? Pero maganda. Kahit na mas maganda pa rin ang asawa ko. Teka yung asawa ko, asan na?

"Dad hindi siya." sabi nung babae

"See Mr Park? Now can we go now? I'm sure my wife is panicking right now." sabi ko

"Then who? At sino naman yang JK Perez na yan, eh eto lang naman ang kilala kong JK Perez sa larangan ng business." sabi ni Mr Park sa anak niyang nakasimangot sa tabi niya.

"I don't know Dad, basta JK Perez ang name niya." sabi naman ng babae

Then bigla akong napa-isip. JK Perez? Hindi kaya yung kapatid ko 'to? Yung lokong yun. Babaero din pala.

"Mr Perez you know this JK Perez?" tanong ni Mr Park sa'kin

"Kapatid ko po." mahinang sagot ko.

"Kapatid mo? May kapatid ka?" tanong ulit ni Mr Park

"Well, galing siyang ibang bansa and he's here for a vacation. Yung g*gong yun, teka. Pakitanggal nga po yung tali sa kamay ko at tatawagan ko ang magaling kong kapatid." sabi ko.

"Sorry iho, oo teka lang." sabi ni Mr Park at tinanggal na ang pagkatali sa likod ko

At denial ko na agad ang number niya

'Hello, Hoy Jayson, pumunta ka ngayon dito sa—'

"Anong lugar po 'to?" bulong ko kay Mr Park

"Claremont Hunted Resort, sa liblib na lugar sa Makati." (lol, kunwari lang yan) bulong din ni Mr Park

At yun ang sinabi ko na saka binaba na at hindi ko na siya pinagsalita pa.

"Hmm Mr Park yung asawa ko nga pala, san niyo dinala?" tanong ko

"Ahy oo nga pasensya ka na iho ah." sabi niya at nagtawag siya ng kasamahan niya

Ng may bigla akong naisip....

"Aah Mr Park tutal nandito naman na tayo, can I ask you a favor?" tanong ko

"Anything for you Mr Perez." sabi naman niya. Kaya naman binulong ko na sa kanya ang balak kong gawin..

Alam nyo ba kung ano yun? Hahaha, secret basta malalaman niyo din. Para sa'yo 'to HonKo, mahal na mahal kita..

Clarisse's POV

"HOY PAKAWALAN NIYO AKO DITO WALA AKONG KASALANAN, SI JEFF LANG ANG MAY KASALANAN, BAKIT PATI AKO DINADAMAY NIYO?" sigaw ko dahil sa sobrang inis ko, inis ko kay Jeff pati na din yung mga nang-kidnap.

Tapos mamaya, may naririnig akong...

"Tama na po. Oo kasalan ko, wag niyo lang idamay ang asawa ko kahit patayin niyo na ako." teka teka, boses ni Jeff yun, NO! Binubugbug ang asawa ko

"HOY ANONG GINAGAWA NIYO SA ASAWA KO, WAAAAAAAAAH!" sigaw ko ulit..

"MANAHIMIK KA JAN KUNG AYAW MONG PATAYIN NAMIN 'TONG ASAWA MO. ANO MR PEREZ BAKIT HINDI MO PANAGUTAN ANG ANAK KO? DAHIL SA BABAENG YAN?" sigaw naman ni matandang Park

"Sabi ko nga sa'inyo hindi ko alam ang sinasabi niyo, mahal na mahal ko ang asawa ko at hindi ko magagawang pagtaksilan siya." sabi naman ni Jeff

Habang ako dito ay walang magawa dito kung hindi umiyak. Bakit nangyayari 'to?Ng bigla kong natanggal yung pagkatali sa'kin kaya tumakbo ako papunta sa kanila.

"TAMA NA PO, Jeff Jeff." sabi ko sa kanya habang hinahawakan yung mukha niyang duguan at sugatan

"Mahal na mahal kita Clarisse tandaan mo yan." sabi lang niya

"Mahal na mahal din kita, wag mo naman akong iwan oh." sabi ko habang umiiyak na talaga. Ngumiti lang siya at nawalan na ng malay..

"Huhuhuhu, anong ginawa niyo sa kanya." sabi ko habang umiiyak. At kinuha ulit ako ng dalawang lalaki pati din si Jeff tsaka binuhat din siya ng tatlong lalaki.

"Teka san niyo ako dadalhin?" tanong ko dahil sa ibang daan kami papunta.

"JEEEEEEEEEEEEFFFFF!" sigaw ko

At tinali ulit nila ako dito.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon