CHAPTER 32

13.4K 185 7
                                    


Chapter 32

Jeff's POV

"Good evening Ma." bati ko kay Mom pagpasok ko sa room ni Clarisse. Napatingin lang ako sa natutulog kong asawa. Tulog na kasi siya tuwing pumupunta ako dito.

Gabi ako pumupunta dito, dito na nga din ako natutulog eh tapos maaga ding umaalis kasi maaga ang pasok ko. Oo dito ako natutulog kasi wala naman akong kasama sa bahay pag ganun kaya dito na din ako natutulog, bale si Mama ang umuuwi pag gabi at dun siya natutulog sa bahay at dumadating din sa umaga.

"Good evening din iho. Kumusta naman ang trabaho mo?" tanong naman ni Mama sa'kin.

"Nakakapagod po eh ang dami dami nga pong mga meeting at pinipirmahan eh. Kumusta naman po si Clarisse?" tanong ko

"Ganyan talaga pag baguhan sa trabaho masasanay ka din. Madidischarge na pala siya bukas." sabi ni Mama. Napatango nalang ako.

"Sunday naman bukas diba? Wala ka namang trabaho diba?" tanong ni Mama

"Wala nga po, bakit po?" tanong ko.

"Kailangan niyong mag-usap ng asawa mo." sabi lang niya habang nakatingin kay HonKo.

"Bakit po?" tanong ko ulit

"Basta, mag-usap nalang kayong dalawa at sana suportahan mo lang kung anong mga gusto niya at sana mapagbigyan mo din siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay niya. Hindi ko naman sinasabi na pakawalan mo siya basta, you two need to talk." sabi ni Mama. Nakakunot lang ang aking noo habang sinasabi niya ang mga 'yan dahil hindi ko maintindihan.

"Sige po." sabi ko nalang.

"Nabayaran ko na lahat ng charges dito sa ospital at lalabas na siya bukas ng umaga, hindi na ako makakapunta dito dahil may aasikasuhin pa ako at gaya nga ng sabi ko kanina gamitin mo na yun para makapag-usap kayo." sabi pa ni Mama. Tumango-tango nalang ako.

"Sige mauna na ako iho at magpahinga ka na din." sabi ni Mama saka lumabas na ng kwarto. Kaya ako naman ay umupo sa kama ni HonKo at hinawakan ang kamay niya.

Tinititigan ko lang siya..

"Alam kong mahirap ang pinag dadaanan mo ngayon HonKo, I'm sorry hindi ko kayang mawala ka sa piling ko pero kung san ka masaya dun ako. Mahal na mahal kasi kita eh." sabi ko saka hinalikan siya sa noo saka ko pinikit na fing amg aking mga mata.

Kinabukasan..


Nandito na kami ngayon sa sasakyan papauwi sa bahay namin. Walang umiimik sa'min..

"HonKo, okay ka lang ba?" tanong ko nalang.

Tumango lang siya na hindi ako tinititignan kaya naman napagdesisyonan ko na pumunta muna kami sa Park. Eksakto namang walang tao. Bumaba na ako ng sasakyan at sumunod naman siya.

"Bakit tayo nandito?" tanong niya.

"Tara dun tayo." yaya ko saka dumiretso sa swing. Dalawang swing yun kaya tig-isa kami.

"Nakita ko yung scrapbook mo." pauna ko nung kakaupo palang niya.

Hindi siya nagsalita..

"I'm sorry." sabi ko ulit

"Wala ka namang kasalanan eh kasalanan ko yun. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." sabi niya saka yumuko at mukhang naiiyak na siya.

"Wag mong sisihin ang sarili mo dahil aksidente yun walang may gusto sa nangyari. Wag ka nang umiyak." sabi ko nalang, tumango lang naman siya at nagpunas ng luha niya.

"Ano pala yung sinasabi ni Mama?" tanong ko.

Napakunot naman sya ng noo..

"Si Mama talaga, a-ano kasi gusto ko sanang sumama sa kanya sa Australia." sabi niya

"Pwede naman tayong sumamang dalawa diba? Bakasyon na natin kung baga?" tanong ko

"Pa'no naman ang company niyo dito? Tsaka babalik din naman ako ah gusto ko lang may maitulong ako kay Mama kahit konti, mukhang nahihirapan na kasi siya eh." sabi niya

Napaisip lang ako sa sinabi niya pati sa sinabi ni Mama kagabi.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo pero pramis ah, babalik ka papakasalan pa kita ulit." sabi ko. Namula naman siya dahil sa sinabi ko.

"Oo nga pala 1 year na yung contrata na'tin, pa'no ba yan expired na." saad niya

"Kaya nga sabi ko papakasalan kita ulit pagbalik mo kaya kailangan mong bumalik kasi hihintayin kita." sabi ko saka tumingin sa kanya, ngumiti lang naman siya.

"So kailan naman alis niyo?" tanong ko nalang.

"Next week ata ewan ko." sabi naman niya. Tumango nalang ako..

"Tara na nga." sabi ko nalang at tumayo na

Tumayo na din siya kaya hinawakan ko lang yung kaliwang kamay niya saka naglakad pabalik ng sasakyan.

"Hihintayin kita HonKo, mahal na mahal kita 'yan ang lagi mong tatandaan." sabi ko habang naglalakad pa din kami.

Tumango lang naman siya saka tumingin sa'kin.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon