CHAPTER 27

13.2K 176 3
                                    


Chapter 27

Shane's POV

"Are you sure hihintayin mo na siya dyan? Samahan muna kita?" tanong ni Mikmik

"Ok lang ako, ano ba. Tsaka ang ganda kaya dito alis ka na nga." taboy ko sa kanya

"Oo na nga, basta ingat ka doon ah." sabi niya ulit

"Opo, ikaw din. Alis na nga, shoo!" sabi ko ulit

"Oo na, bye! Kanina mo pa ako tinataboy eh." sabi naman niya saka na naglakad papunta kung saan gaganapin ang party nila. Nagpaalam na ako kay Mikmik na pupunta ng Tagaytay para magbakasyon kina Tita muna ako tutuloy.

Balak ko ding itigil muna 'tong pagmomodel ko kahit isang buwan lang para naman makapagpahinga muna 'tong katawan ko pati na din 'tong isip at puso ko. Oo magbabakasyon muna ako, yung walang iniisip at sakto sa lugar nina Tita kasi liblib na lugar.

Nandito naman na ako kaya tinawagan ko na si Clarisse para makahingi naman ng sorry sa mga nasabi ko dati bago ako umalis. And thank god dahil pumayag naman siya agad.

"Nanjan ka na pala, wow ang ganda na'tin ah." sabi ko, oo totoo yun, maganda naman talaga siya eh.

"Salamat, ano bang sasabihin mo?" tanong niya saka umupo sa tabi ko.

"Clarisse, gusto ko lang humingi ng pasensya sa mga nasabi ko sa'yo dati." Pauna ko

"Huh?" tanong niya

"Basta alam mo na yun." sabi ko nalang

Natahimik naman siya.

"I'm sorry, nainis lang kasi ako sa'yo dati kasi ang feeling ko inagaw mo sa'kin si Jeff tapos pati ang bespren ko nasasaktan nang dahil sa'yo." sabi ko ulit

"Sorry din, hindi ko naman sinasadya yung mga nangyari eh." sabi naman niya

"I know, at kasalanan ko din naman yung nangyari sa'min ni Jeff kaya huwag ng sisihin ang sarili mo, alagaan mo nalang siya." sabi ko pa

Ngumiti lang naman siya at "oo naman"

"Yun lang ang sasabihin kosana maging masaya kayo." sabi ko saka tumayo na

"So friends?" tanong ko sabay abot ng kanang kamay sa kanya

Ngumiti naman siya saka kinuha ang kamay ko "Friends!"

"Tara na, san ka ba pupunta? hatid na kita." sabi ko

"Ah jan lang oh." sabi niya sabay turo sa Francesca Inn

"Ahhy oo pala, pakisabi nalang kay Mikmik una na ako." paalam ko

"Okay, san ba punta mo?" tanong niya

"Ahy oo nga pala, magbabakasyon muna kasi ako sa tagaytay. Pakisabi nalang din kay Jeff ah sige una na ako." sabi ko at sumakay na sa sasakyan ko at pinaandar ko na.

Hay sana tama 'tong desisyon ko. Maganda din naman siguro para naman makapag-isip isip ako..

At para mahimasmasan 'tong puso ko kasi feeling ko, I'm feeling something sa bespren ko pero hindi dapat ,hindi pwede. Dahil alam kong mahal pa din niya si Clarisse. Kaya bago pa lumalim 'tong nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko nang umalis para kalimutan siya.

Hanggang sa muli.

----
Short update

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon