CHAPTER 1

40.6K 557 23
                                    

CHAPTER 1

Clarisse's POV

"Hey! Here's the contract." sabi niya sa akin sabay abot nung folder kaya binuksan ko ito saka binasa.

Fixed Marriage Contract - JEFFREY

1. Don't disturb me.

2. Act as a sweet wife when my Grandma and friends are with us

3. You should treat me as a true HUSBAND, eg: cook for me...

4. When my Grandma wants to sleep or have a vacation here, WE should sleep in my room.

5. And last, don't you dare to fall in love with me, if you fall in love with me, there's a consequence.

"Yung una, okay lang. Hindi naman talaga kita papakialaman eh." komento ko.  "Hmmm, yung pangalawa, paki explain kasi wala naman akong asawa dati?" pilosopong saad ko

"Ano bang ginagawa ng mga asawa? I-research mo sa google." pilosopong saad din niya.

-_- I just rolled my eyes on what he said.

"Itong pangatlo, okay lang, marunong naman akong magluto eh." I proudly said. "Hmm, pang-apat. Sana hindi siya pumunta dito, huhuhu. Baka kung anong gawin mo sa akin." panik kong saad.

"Asa ka naman." sabi lang niya saka tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos tinignan niya ulit yung sa bandang dibdib ko, sabay sabing.. "Pwede na din." tsaka nakangisi at patango-tango pa.

"Yaaaah! PERVERT!" sigaw ko, sabay takip ng dibdib ko. "Itong panghuli, asa ka naman. Kapal mo, hindi kita type." masungit kong saad.

Kumusta naman daw ako? Say 'Hello' to me Clarisse Joy Lim - Perez. Last week kami kinasal ni Jeff at hindi ko pa rin talaga maimagine na may asawa na ako. Kahit na peke at maghihiwalay lang din kami after one year. Syempre parang totoo kasi legal yung kasal namin at dito siya titira sa bahay kasama ko, oh diba san ka pa?

My life is so miserable simula nung namatay ang papa ko last last month. At nalaman ko pang naibenta niya pala tong Hachenda namin, eh ito nalang kasi ang natitira sa akin tapos kukunin pa? Nalaman ko kasing naibenta pala ni papa to dahil sa pag aaral ko. Ni minsan wala akong narinig na reklamo o problema galing kay Papa. Haaay, namimiss ko na naman tuloy si Papa.

Wala din akong kamag-anak, ni hindi ko nga alam kung nasan ang mama ko. Iniwan kasi daw niya ako sa papa ko pagka-anak niya sa akin kaya naman laking galit ko din sa kanya. Kahit anong paliwanag ni Papa sa akin kung bakit niya kami iniwan. Yun pa din yun, iniwan pa din niya kami.

Ang contract namin ni Jeffrey, mag asawa kami ng isang taon tapos makukuha ko na ulit 'tong bahay at lupa dahil sa kanila naibenta ni papa tong Hachenda, habang siya naman ay makukuha daw niya ang mana niya. Ewan ko ba kung bakit atat na atat siyang makuha ang mana niya, ang sabi daw kasi ng lola niya, makukuha lang niya ang mana niya kapag nakapag-asawa na siya. Basta ako wala akong pakialam sa kanila, ang gusto ko lang makuha ulit 'tong bahay at lupa namin ni Papa. Pinaghirapan kasing bilhin ni Papa 'to, tsaka dito na ako lumaki ano.

Parehas lang kami. Kailangan namin ang isa't-isa, kailangan ko siya para makuha ulit 'tong Hachenda at kailangan niya ako para maibigay na ang mana daw niya. Nangako naman siya na ibibigay niya sa akin ang hachenda at aalis na siya pagkatapos ng contrata namin.

"Okay! Ito na naman yung akin" sabi ko naman sabay abot nung folder sa kanya saka binuksan at binasa..

Fixed Marriage Contract - CLARISSE

1. Huwag mo akong papakialaman sa mga ginagawa ko.

2. Magagawa ko parin lahat ng gusto kong gawin dito sa bahay.

3. Huwag kang papasok sa kwarto ko.

4. Pwede akong magboyfriend.

5. Huwag kang maiinlove sa akin.

"1st, Ok!" pa-cool niyang saad. "2nd. Hmm, sige." sabi lang niya.  "Hahaha, bakit naman ako bawal pumasok sa kwarto mo?" natatawa niyang tanong.

"Eh sa ayoko eh, baka mamaya pagnasaan mo ako." sabi ko at tumatawa lang ulit siya.

"Hahaha. Asa ka naman." sabi niya at tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa, pero tinakpan ko na yung dibdib ko bago pa dumako ang mga mata niya dito.

"Manyak ka talaga ano?!" sabi ko sa kanya at tinuloy lang niya ung pagbabasa.

"4th, palitan mo to, hindi pwede! Pa'no kung may makakita sayo na kakilala ko? Ano nalang sasabihin nila?" tuloy-tuloy niyang saad.

"Pano yan, may b-bo-boyfriend ako eh." mahina kong saad

"WHAT??" kagulat naman 'to! "Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong niya

"Nagtanong ka ba dati?" pilosopong balik tanong ko

"Aargh." sigaw pa niya sabay gulo ng buhok niya pero sa huli. "Ok.Ok. Pero wag kang magpapahuli ah, lalong-lalo na kay Grandma, kung hindi lagot ka talaga sa akin." katakot naman toh!

"Opo." sabi ko nalang

"Last, hindi rin mangyayari yan. Asa ka din!" sabi din niya

At pinirmahan na namin ang contrata..

"Okay, Deal.?" he said sabay abot ng kanang kamay niya para makipagshake hands, kaya naman

"Deal" sagot ko naman at nakipagkamay na din ako sa kanya

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon