Chapter Forty Eight- Donuts, Lockers, and Bags

Magsimula sa umpisa
                                    

Dahil nauna si Yanny, siya na naman yung pumili ng upuan. Syempre, dun na naman yung pinili niya. Sa malapit kay Silver as usual. Ang hirap-hirap.

“Swerte!! Bakante pa dito!! Bibili muna ako ha! Bantayan niyo yang table!” sabi ni Yanny. Nakita kong tumingin muna siya kay Silver bago tumakbo at bumili ng lunch.

“Bili ka na Zy, Ako na magbabantay muna.” Sabi naman ni Mika.

“Hindi sige, bili ka na, sayang naman tong doughnut.” Itinaas ko sa mukha niya yung plastic ng binili kong doughnut kanina. Alam ko namang hindi ko na yun makakain eh, pero wala na rin akong gana para bumili pa ng pang-lunch.

Nung umalis na si Mikaela, bigla tuloy gusto kong magsisi na nagpaiwan ako. Kasi mula sa kinauupuan ko, natatanaw ko si Silver. Tapos ang dami niya na namang katabi. Mga classmates niya. Nakatalikod siya at syempre yung nasa dalawang tabi niya mga babae. Si Carly yung isa, tapos yung isang babaeng maikli yung buhok, di ko kilala. Nakatingin lang ako sa likod niya, na hindi ko namamalayan na nalalamutak ko na naman yung doughnut.

“Hindi niya naman sinabi na partner pala kayo!! Kayo talagang dalawa baka may namamagitan na sa inyo ha!!” narinig kong sabi ni Carly

Tska ko lang napansin na nasa tapat pala ni Silver ay si Bettina. Kaya pala hindi niya katabi. Magkatapat sila. Just like a date.

“Wala ano ka ba…” sagot ni Bettina. Tapos nagblush siya. Bigla tuloy ako nag-iwas nag tingin. Bigla kasi siyang tumingin sa akin. Kanina pa ba niya ako nakikita na nakatingin kay Silver?

Nakatalikod kasi si Silver sa akin at ang view ni Bettina ay paharap sa akin.

“Baka ligawan na ang susunod diyan ah!” sabi nung isang lalaki na classmates nila. Tapos nag-asaran na sila ng asaran. Yung ibang mga katabi ni Silver, tinutulak naman siya at hinahampas pa paminsan. Di ko man nakikita yung reaction ni Silver, feeling ko ang saya-saya niya. Kasi nakipag high-five pa siya dun sa isang lalaking maingay eh.

“Dapat nga yayayin ko si Bettina, naunahan lang ako nitong si Silver eh.” Sabi pa ulit nung isang lalaki.

“Mabagal ka kasi.” Sagot ni Silver Talaga bang yayayain niya si Bettina??? Hindi ba nagpapaselos lang siya?

“Dibale Carly, pwede ba partner kita?”

“Oo naman!!”

“Ayeeee!!"Nag-asaran na naman sila. Ingay sa table nila eh. Lahat sila masaya. Eh di sila na ang may mga partner! Samantalang ako wala. Pulubi. Sinungaling kasi ako. 

“Okay na ako… Bili ka na ng food mo…” sa wakas dumatin na rin si Mika. Nauna pa siya bumalik kesa kay Yanny?

“Di… diba kakainin ko na tong doughnut.” Kinagat ko yung doughnut na di na maintindihan ang itsura. Gustong masuka ni Mikaela ng makitang kinakain ko pa yung pagkaing pwede ng pumasa na kaning baboy.

“Ah.. May nagyaya kasi sa kanya dun sa pilahan para maging partner, nag-uusap pa sila ngayon.”

Great. Lahat na sila may partner. Karma ko 'to eh. Hindi bale, si Mikaela wala yang partner. Wala naman si Jupiter dito eh.

“Tayo na lang walang partner nuh Mika?” naghahanap pa talaga ako ng karamay eh.

“Ah… Meron na ako eh…” tahimik niyang sagot sabay subo ng kanin.

“Meron ka na??? Sino?? Wala naman akong natatandaang nagyaya sayo ah!”

“Ha? Eh palagi ka namang absent haha! Si Lionell, 4th year na, yung kaibigan ni boyfie… Pinagbilin yata ako ni Jupiter sa kanya!” Tapos ayun nagblush din siya. Buti pa siya wala dito ang bf niya, may partner na naman siya. At ipinagbilin pa siya. Samantalang ako, ang hirap lang ng buhay.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon