Case 19 - The Kidnap

ابدأ من البداية
                                    

'Di hamak na mas malapit ang labi ni Shane ngayon, kaysa sa labi ni Wanna Be noong nasa clinic kami.

Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Nothing strange. Nothing different. Akala ko pa naman, nagbago na ako, na sa tuwing mapapalapit ako sa isang lalaki, pinagpapawisan ako, nahihirapang huminga at naririnig ko ng malakas ang puso ko. Akala ko iyon na ang sisira sa career ko, na hindi na ako makaka-arte uli sa paraan na gusto ko.

Pero..

.. nakapagtatakang kay Wanna Be ko lang nararamdaman ang mga pesteng emosyon, na noon ay kilala ko lang sa pangalan.

"Cut! Cut!" naglayo naman kami agad ni Shane. Mukhang hindi na-satisfied ang loka-lokang Director namin.

"Ayen? What's wrong? The two were doing great, but you're messing it up."

Patago akong napangiti, hindi niya kayang umarte ng maayos pagdating kay Shane? Oh pleeeease!

"Rish, stay calm, okay?" saway ni Shane kay Director Lim. Dapat lang na alam niyang i-handle ang mood swings ng manager niya. Sa aming lahat, siya ang mas nakakakilala rito.

"Ye, hug me tighter." kinuha niya ang dalawang kamay ni Ayen matapos tumalikod dito. "Ako lang ito, Ye. Just do your best." at iniyakap niya ito sa kanya.

Hindi ko na gaanong nakita ang reaksyon ni Ayen dahil natatakpan siya ni Shane na nasa harapan ko. And 'Ye' was a familiar endearment. Ito ang tawag ni Shane sa kanya when we're nine.

What Shane did was indeed effective. Ayen was back to being a real pretender, then pictorial ends earlier.

ö~ö~ö~ö

"So, I think the role suits you well." iyon lang ang naintindihan ko sa pagkahaba-habang sinabi ni Shane.

Nasa front seat kaming tatlo nina Ayen, at nasa kanan ko siya, kasalukuyan naming pinapanood ang scenes na galing sa iba't-ibang movies, ang sabi kasi ng nalolokang direktor namin, may hawig daw dito ang gagawin namin. At umaasa daw siyang higit pa dito ang maibibigay namin.

"Iyon rin ang pananaw ko Papa Shaney! Fit na fit 'yong role dito kay Dindin. Hindi kasi siya takot sa heights at magaling din siyang mag-ice skating." Lahat ng sinasabi ni Shane, si Crisostomo naman ang sumasagot. Nakakairita sila pero masyadong pre-occupied ang utak ko para sawayin sila.

Ngayon kasi ang Christmas Party ng bawat sections sa Harmony Academy. Gusto ko sanang makapunta dahil sabi ni Ailyn, si Fai daw ang umasikaso ng program at si Phia ang sa design ng room, pero tumulong naman daw ang buong barkada. Iyon nga lang, kagaya ng dati, hindi talaga ako makakapunta.

"Nag-skating lessons ka?" curious na tanong ni Shane.

Umiling ako. Si Papa ang nagturo sa akin noon. Pero hindi ako ang klase ng taong open sa lahat, kaya hindi na ako umimik.

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن