30

4.1K 62 7
                                    

Summer's POV

"Summer, it's just a kiss.", Oo! It's just a kiss na ako mismo ang humalik.

Yun ang kauna-unahang halik na binigay ko kay Trex. A passionate kiss na hindi pilit or hindi sinasadya. Pakiramdam ko nung hinalikan ko sya parang ang sarap sa feeling...

I don't know what's happening to my system but damn! It feels so good to kiss that monster. The feeling of flying butterflies inside my tummy, yung mabilis na pagtibok ng puso ko. Lahat yun ay pakiramdam ko ay tama. Walang halong denial...

Simula nun parang mannerism ko na ang pagkapa sa aking labi sa tuwing maalala ko iyon. Yung feeling na nakabakat na sa labi ko yung mga labi ni Trex panghabang buhay. Myghad!

Matapos kong maipake ang mga gamit ko ay muli akong tumingin sa salamin. Kahit alam kong maganda na ako ay parang may nagppush pa sa loob ko na mas magpaganda pa.

Para kanino?

Para kay Trex. Ganito na ba yung symptoms ng in love?! Juskolord! In love na nga ata talaga ako sa manyak na yun. Muli kong inayos ang nakalugay kong buhok at medyo nag retouch pa ko. Tapos chineck ko pa itong suot ko if magmumukha ba kong mas sexy pa sa paningin ni mamaw...

Jusko Summer! Ano ba itong ginagawa mo?! Baka ikama ka na naman nung manyak na yun dahil dyan!

"Ms. Summer, ibababa ko na po yung maleta niyo, utos po ni Sir Trex.", sabi nung isang butler.

Nginitian ko naman siya at iniabot sa kanya ang maleta ko. Sunod ko namang kinuha ang bag na nakapatong sa kama at sumunod palabas ng aking kwarto.

Trex insisted na sumama ako sa Vegas for his business tour. As the last part of my training sa company ni mamaw kailangan ko maging temporary E.A. niya. Magtatagal ata kami dun ng mga kulang kulang isang buwan.

Buti nga at kasama namin ang ibang members ng gang nitong si Trex lalo na sila kuya kambal... May kilala din ako dun at hindi ako mabbored if ever. First time ko dun pupunta sa Vegas so wala akong masyadong alam na place dun.

As if naman payagan ako ni mamaw magtour dun mag-isa kapag bored ako. Perks of being over protective.

I was checking my things in my bag for the last time ng may maramdaman akong brasong pumupulupot sa bewang ko. His familiar scent. Agad naman akong napalingon sa kanya at naabutan ng paningin ko ang kanyang very rare smile.

"Ready?", tanong niya sa akin kasabay ng paghalik niya sa noo ko and here we go again with the butterflies.

"Yeah. Just checking my things. Baka kasi may makalimutan ako.", sabi ko naman sa kanya at bahagyang ngumiti. Ngumisi siya at muling nagsalita...

"Eh yung puso mo? Chineck mo na ba kung andyan pa ba ko?"

Nanlaki ang mga mata ko at for sure sobrang pula na naman ng mukha ko. Hindi na niya ako hinayaang magsalita ng pingutin niya ang ilong ko at tumawa. Napanguso na lang ako at nagpadala sa kanya ng hawakan na niya ang aking kamay at lumakad palabas ng mansion.

This guy is changing little by little... He's getting sweeter like sugar.

"Yow guys!", bati sa amin ni Ezekiel ng makarating na kami sa airport. Tumango naman itong si Trex at nakipagbeso sa akin si Kiel.

"Hey there, Summer. Mas lalo ka atang nagiging maganda ngayon and... Ohh. You're not skinny na! You got sexier huh?", sabi ni Kiel ng may halong amusement sa kanyang mukha.

"Ano ka ba Kiel, matagal na akong maganda at sexy nuh!", pabirong sabi ko at nagtawanan kami ng biglang napaubo itong si Kiel dahilan para huminto siya sa kakatawa. Tumalikod ako at nakita ko nga si Trex na masama ang tingin at parang igigisa na ng buhay itong si Kiel.

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon