12

8.4K 163 8
                                    

Summer's POV

Andito ako ngayon sa building ng I.M.F.I para sa meeting ng gagawing advertising project ng kompanya nila Trex. Sa meeting na iyon ay makikilala ko rin ang mga magiging kasama kong ibang models at syempre excited din akong magkita kami muli ni Sabrina "Maldita" Alyanna Harrison. Namiss ko rin ang babaeng yun kahit papaano. Hindi man lang ako kinakamusta! Nakakaines. Inuuna pa niya ang pakikipaglandian sa fiancé niya.

Pagkabukas ng elevator ay agad na akong pumasok. Pero bago pa tuluyang magsara ang pinto ay biglang may kamay na humarang. Nagulat ako doon dahil akala ko kasi mapuputol yung kamay! Halos maipit! Pumasok na siya agad sa loob na mukhang hinabol pa niya talaga ito bago pa sumara. Halata sa mukha niya yung pagod at hinihingal siya.

Umaandar na yung elevator at hindi ko naiwasang mapatingin sa lalakeng pumasok. Simple White V-neck shirt at jeans lang ang suot niya pero ang lakas ng dating. Hapit ang shirt niya kaya naemphasize nito ang magandang build ng katawan niya. Yummy ang muscles.

Umakyat ang tingin ko sa mukha nung lalake at ang cool ng ayos ng buhok niya. Nakakainlove naman. Dagdag mo pa ang cute niyang smile na lalong nagpapaliit sa chinito niyang mga mata.

"Hi Summer! It's me, Rage.", nakangiting sabi nito at halos mahulog ang panga ko ng mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko at kasabay ko dito sa elevator!

"Rage?! Anong ginagawa mo dito?", biglang tanong ko. Sumandal muna siya sa wall ng elevator at nag crossed arms bago niya sinagot ang tanong ko.

"Work. Ikaw ba? What brings you here in I.M.F.I.?", tanong niya habang ngiting nakatingin siya sa akin.

"May meeting kasi para sa mga model ng bagong project ng Infinity Corp. Yung para sa bagong itatayong resort and hotel.", sabi ko. My Gosh. Ang awkward naman nito. Namagnet ang mata ko sa kanya kanina dahil sa aura niya ngayon baka akalain niya pinagnanasaan ko siya.

"Really? What a coincidence. Doon din ang punta ko. Isa ako sa models ng I.M.F.I at yan din ang current project ko ngayon.", aniya at tumingin sa akin na para bang may sinusuri siya sa katawan ko. Napalunok naman ako dahil medyo kinabahan ako sa tingin niya.

"No doubts. Mukhang nasa genes mo ang maging model, Summer. Is this your first time?", bago ko pa man masagot ang tanong niya ay bumukas na ang elevator. Pinauna akong lumabas ni Rage tsaka siya sumunod.

"This way, Summer.", naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Rage sa may bewang ko at may kung anong spark akong naramdaman. Hindi ako kaagad nakareact hanggang sa namalayan kong malapit na kami sa may office kung saan gaganapin ang meeting.

Habang naglalakad kami ng sabay ni Rage ay hindi ko maiwasan ang kiligin sa moment na ito. Ikaw ba naman makasabay ang isang gwapong nilalang na katulad niya at sobrang gentleman pa ay talagang nakakagaan ng mood.

Pinagtitinginan naman kami ng ibang empleyado lalo nung mga babae. Sadyang head turner ang kasama ko ngayon. Rage indeed is a model for being a Perfect made guy. Chinito and having that baby face. Matangkad at macho at the same time mabait, gentleman at laging nakasmile.

Not like Trexone the Mamaw Dinosaur, na mukhang tingting na may abs na laging moody at ang aura niya na akala mo laging galit. Ang bad boy look niya na tinabunan ng yelo sa pagiging cold at laging hindi mabasa ang expression. Pero sandamakmak na kababaihan ang napapalaway nito dahil hindi maipagkakailang ang HOT ng halimaw na yun. Palibhasa nakatira sa hell kapag galit. Laging nakabusangot ang mukha at minsan lang ngumiti. At ngingiti lang yan kapag nakaisip na ng kamanyakan. Ngisi pa kung madalas.

"Good Morning Sir Rage.", bati nung isang empleyado at halata sa mukha na hinuhubaran na niya sa isip niya si Rage.

"Good Morning Din.", bati rin ni Rage sa empleyado. Halos iglue gun na niya yung mata niya kay Rage. Ngumiti na lang ako at pinagpatuloy namin ang paglalakad.

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon