CHAPTER 32: bulag na manhid pa

834 10 0
                                    

Winter's pov

1:30 am

*riiiiiing* calling Kats *riiiiiing*

["hello? sino ba to?!"]

"puta pare gusto ko ng ligawan si Blythe."

["tangna gago mo ba?! madaling araw ah? ngayon mo pa naisip yan?!"]

 "tangina tol kasi bigla lang pumasok sa isip ko eh, hindi kasi ako makatulog. parang ang daming laman ng utak ko."

 ["puta kelan ka pa nagkaroon ng utak? ngayon ko lang nabalitaan to! tangina mo kung ayaw mo matulog patulugin mo ko puta ka!" *toooooot*]

*riiiiiing* calling JC *riiiiiing*

["puta sino to? anong oras na ah?!"] 

"pre! gusto ko ng ligawan si Blythe."

["Maganda yan! ngayon mo pagplanuhan sa ganitong oras!" *tooooooot*]

*riiiiiing* calling Seth *riiiiiing*

[h-hello..?!] 

"tol gusto ko ng ligawan si Blythe"

[*toooooooot*]

binabaan din ako ni Seth? TTT^TTT

  

*riiiiiing* calling Les *riiiiiing*

["hello?"]

 "tol!"

 ["anong problema tol?"]

"di mo ba ko babaan? di ka ba galit? di ba kita nagising?"

["hindi naman. bakit ka ba napatawag? hindi pa naman ako natutulog eh."]

"anong oras na ah? anong ginagawa mo?"

["tangina mo pre wala ka ng pake dun"]

"baka namaaaan--"

["pre tumahimik ka na. bakit ka ba napatawag?"]

"tol gusto ko ng ligawan si Blythe."

["tngna mo." *toooooooooooot*]

bastos tong mga to parang hindi kaibigan. nakakabanas wala na akong mapagsabihan. di kasi nila alam kung anong hirap pinagdaanan ko sa pag-iisip kung itutuloy ko ba talaga yun. *sigh* banas! di na ako natulog naligo na agad ako ng mga 3:30. nung mga 5:30 na paalis na ko ng bahay. ang aga ko nito sigurado. himala to ang aga ko! tangna pagewang-gewang ako sa paglalakad. bangag ako this morning! ugh!

pagpasok ko ng campus nagulat ako. tignan niyo nga naman!

"mga bregs! ang aaga nat--"

"eh nandito na pala ang gago." -Kats

"anong problema natin mga tol? ang aga-aga oh?"

"oo nga eh. ang aga-aga. ang aga din namin" -JC

"ayaw niyo nun? maaga tayong lima?"

Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon