CHAPTER 18: SIGURO?

1.2K 13 1
                                    

Winter's pov

alam nyo bang ngayon eh napapa-isip na ako dun sa mga pinagsasasabi ni Seth sakin dati..

about the signs and other stuffs..... usually about kay Blythe.

I'll explain it:

SIGN #1

She's Special

oo special siya. ngayon nga lang ako nagkaganito sa babae eh. yung parang... hindi ko maexplain eh..  yung nakikilala ng puso mo ung pinagkaiba nya sa ibang babae.. parang ganun ata?

SIGN #2

You want to be with her almost all the time

oo.. hindi ko nga alam kung bakit eh.. pero para bang gusto ko n lagi ko lang siyang kasama.... ung feeling na parang kapag hindi ko siya maaninag or wala siya sa tabi ko parang hindi ako mapalagay.. alam mo yun?

SIGN #3 

You'd Do anything for her

kahit nga buhay ko handa ko ialay para lang sa kaligtasan nya di ba?  kung nasa pahamak siya, ililigtas ko siya. kung malungkot siya, papatawanin ko siya. kung umiiyak siya, papawiin ko ang luha niya. kung pinagtatawanan siya, sasamahan ko siya para lang malaman niyang di siya nag-iisa.

SIGN #4

It's not about s*x

kelangan pa ba tong pag-usapan? oo alam kong gumagana ang hormones kapag nakikita mo ung babaeng mahal mo. kasama yan sa sirkulasyon ng buong katawan mo eh. pero para sakin kasi may tamang panahon at oras ang lahat eh, hindi minamadali ang mga ganyang bagay. alam kong dadarating at darating din ako sa puntong yan. pero talagang di p ngayon.

SIGN #5

You feel out of control

yung parang you feel something wrong but it seems so right?  hindi mo alam ginagawa mo pero kapag kasama mo siya parang tama lahat? langit :)

SIGN #6 

She's perfect

mata, ilong, bibig, buhok, hubog ng mukha, hubog ng katawan, ung legs--- 

teka yung hormones ko! XD pero syempre hindi lang siya perfect sa panlabas or physically. matalinong bata  din kaya tong si Blythe! at nagtataglay ng busilak na puso.. saan ka pa?! dito ka na! TARA!

SIGN #7

You're a total wreck

usapang puso? wala eh. pati puso ko masaya kapag nandyan siya eh. 

parang sasabog ung puso ko sa lakas ng pagkalabog dito sa loob. sa sobrang bilis pati ako nagahahabol ng hininga kapag malapit siya. OA ba? edi OA na kung OA... sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko.

SIGN #8

Can The both of you be exclusive

BF GF? ganun? oo naman.. syempre hindi naman yan naalis sa isip ko eh...  kung ikaw rin naman nasa posisyon ko ngayon di ba? ang saya siguro sa pakiramdam na nagexist ung word na 'kayo'. ung feeling n parang secured ka na pumayag siya na maging iyo. Yung hindi sinasabe pero nararamdaman. Yung walang sinsing, pero kuntento. Yung walang sumpaan, pero walang iwanan. At yung walang titulo, pero alam mo’ng iyo.

Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now