CHAPTER 3: Pogi

2.2K 28 3
                                    

Blythe's pov

Here I am standing straight, facing this young man with a very handso-- what the f! nababaliw na ba ko?! Hindi siya gwapo! Walang modo tong lalaking to! Palengkero! Ang yabang pa kung umasta! Akala mo gwapo! pwe!

Pero ang ipinagtataka ko, eh kung bakit natatameme ako. Hindi ako makagalaw or makapagsalita man lang? What the hell is happening to me?

Pero biglang....

Winter's pov

Winawave ko yung kamay ko sa mukha niya. Sa tapat ng mga mata niya na para bang sinisigurado ko kung nakikita niya ba ko or buhay pa siya. Para kasing nakatulala siya na parang nagulat sa ginawa ko kanina na parang ewan. Baliw ata to eh tsk

Pero tungkol dun sa ginawa ko kanina, sino ba namang hindi magugulat sa ginawa ko eh nagsisigaw ako ng wala sa lugar, kasi naman..

 

*flaaaaaaaaaasssssssbbbbbbbaaaaaack*

Pagkababa ko sa may tapat ng school eh bored na bored agad ako. Nakakatamad naman kasi talaga mag-aral no psh akala ng iba masaya to?! bahala sila!

Pero wala naman akong magagawa kasi kelangan ko tlagang mag-aral no. Kelangan nga ba?Importante daw to eh. At sana balang araw marealize ko ung point nila. SANA. Gusto naman talaga kasi ng utak ko mag-aral. Siyempre sayang din yung matututunan ko dito kahit na medyo alam ko na yung mga pinagsasasabi nila. Yung katawan ko lang ayaw eh. katamad

While on my way to the bulletin board, malayo pa lang ako ay napansin ko na yung babae dun sa may likod ng mga tao. Nakatayo lang siya dun, parang ewan nga eh kasi hinihintay niyang maubos yung tao dun sa tapat ng bulletin board. Which is imposible kasi ang dami nun sobra. Tapos yung iba ang tagal pa maghanap. Yung iba namn nakaistambay na lang sa gitna. naghihintay ng tropa na matapos para sabay-sabay pumunta ng room. Kawawa nga yung babae kasi halos masiksik parin siya kahit malayo na. Nababangga pa ng mga backpacks at siko nung iba. Minsan ngang naapakan siya eh, hindi na lang ata pinansin. Medyo may pagkamanhid ata haha XD

At nagdecide na ako na tulungan siya. Alam niyo naman ako hihi. Nakahanap na rin ng paraan para makapagyabang at magchange ng mood. Shocked? But, yeah you heard it right. Para magyabang. Medyo may pagka, na parang, oo  mayabang talaga ko :) Okay na yung mayabang na aminado kaysa bastos na walang modo di ba? And another yeah, para magchange ng mood. bored nga kasi ako eh. At sayang oh, isa nanamang babaeng mabibiktima ng ubod ng gwapong mukha ko tsk

And so I started to shout.

"HOY!!! TUMABI NGA KAYO!!!"

Hinawakan ko sa wrist yung babae. Medyo na-shock ata sa ginawa ko. Sumigaw ulit ako habang turo yung babae

 "DI NA KAYO NAHABAG SA NAPAKAGANDANG BINIBI NA ITO NA ILANG MINUTO NG NAKATAYO DUN SA LIKOD AT HINIHINTAY KAYO MAGSIALISAN?! KONTING RESPETO LNG OH! BABAE TO!"

Kung anu-anong sinabi ko. Nakakatawa kasi yung mukha at reaksyon nung babae. Clueless siya kung anong ginagawa ko. Aba! ilang minuto na ata tong nakatitig sa kapogian ko ah? Sabi ko na nga ba eh mahuhulog ka din sa kapogian ko tulad ng ibang girls 

Sabay labas ng irresistable smirk ko. Ha!

 *end of flaaaaaaashhhhhbbbbbbaaaaaaack*

Winawave ko parin yung kamay ko sa kanya nang biglang nagsnap ako ng fingers na kasabay ng pagsnap-out niya into reality. Alas babe. haha babe talaga? Don't worry  I call almost all the girls babe, parang short for 'babae' siya for me. At tingin naman ng mga girls eh trip ko sila kapag sinasabihan ng babe. My ass.

Okay back to this girl. Pagkagising niya papunta sa totoong mundo, na ikinagulat ko syempre. Pero hindi ko ipinahalata para cool parin. Bago pa siya makapagsalita eh inunahan ko na noh. Baka ratratin ako nito ng tanong.

 "I'm Winter.... please to meet you" 

baliw ba to? nakipagkamayan sakin habang nakatulala

"Miss, you're staring at me for an hour. And it's freaking me out."

"Miss, I know I'm hot, charming, cute, pogi, mabango, but, damn! wag mo naman akong tunawin sa titig mo oh?"

 "But you can kiss me. Pero! Pero sa cheeks lang. Swerte mo naman kung sa lips pa! Ano ka? chicks? Di na uy!" 

Kitang-kita sa mukha niyang ang pagpipigil ng galit. Sobra grabe! Nakakatawa. Namumula siya sa galit tapos nag-inhale exhale para mahimasmasan for about 5 minutes, I guess. Pagkatapos niyang huminga hinga ay dinuro duro niya ko pero wala syang masabi. Mukhang baliw. Napapapalip-bite na lang siya sa sobrang badtrip at kahihiyan siguro? Haha. Di na ko makahinga sa katatawa habang siya naman ganyan. Teka oh magsasalita na ata...

"alam mo ikaw..."-miss

*KKKKRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGG*

Hindi na niya natuloy yung sinsabi niya. Kawawa naman tong si miss na mganda SANA kung kiniss ako Sana talaga kiniss niya ako.

"I guess I'm saved by the bell" 

Sabay tawa ng konti na parang evil villiain sa mga movies, at syempre habang naka-smirk. Hindi talaga maaalis sakin yung smirk, lakas maka-pogi eh.

Pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong sipain sa private part... Bakit?! Napaupo ako sa sobrang sakit. Worst, napahiga pa ko sa floor. Etong babae naman na to binelatan lang ako habang papunta sa room niya. Kundi ka lang babae eh. At kung nakakatayo lang ako malamang hinabol na kita.  May araw ka din sa akin miss tandaan mo yan!

Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now