CHAPTER 4: Seatmate

2.1K 28 2
                                    

Blythe's pov

Nakakainis talaga yung lalaking yun! Winter daw pangalan, di bagay sa kanya! Ang cute ng name tapos ang sama naman ng ugali psh.

"NAKAKAINIS KAAAAA!!!"

Nagulat naman ako kasi biglang nagtinginan sakin mga classmates ko.  Actually nasa room na pala ako. Bigla kasi akong sumigaw! Kasalanan to ni boy lamig, nakakahiya ako.

Pano ba naman kasi ang yabang niya! kiss? NEVER! Cute daw siya, pogi, mabango, at kung anu-ano pang term para mabuhat yung sarili niya pataas. Yabang lang huh? Akala mo kung sino. Nakatitig daw ako sa kanya teka.. honestly, nakatitig talaga ako sa kanya the whole time kanina, bakit ba kasi?! Ano bang halimaw ang sumanib sa akin kanina? 

B-baka kasi s-sa p-pogi siya..? wait what!?

Baka nabigla lang ako sa ginawa niya. Tama! Nabigla lang ako. Nabigla lang ako. Ano ka ba naman Blythe! Kung anu-ano pumapasok sa utak mo. Makikinig na nga ko sa lecture ano ba naman yan. Baka kasi kung ano nanaman maisigaw ko maya-maya.

  

Winter's pov

Grabeng sakit na dinulot ng babaeng yun sakin. Particularly kay baby boy.. if you know what I mean.

So nandito ako ngayon sa clinic, nakahiga, ang tindi ng pagkakasipa sa akin nung babaeng yun! Ang tindi! Hindi lang kasi nila naiintindihan nararamdaman naming mga lalaki kasi wala silang ganito. Banas.

Nandito lang naman ako sa clinic para magpahinga. Hindi ko na pina-check yung kargador sa may baba. Konting pahinga lang to. Baka manyakin lang kasi ako ng nurse na 'to. Di naman sa masama ako mag-isip, pero kanina pa nga kasi nakatitig to sa akin eh. Alam kong pogi ako at maraming naiinlove sa akin,  but damn! Sagad na ba kapogian ko? Grabe na to. Nung nagsabog siguro ng kapogian si papa God eh ako lahat ang sumalo. Tsk. Nainform kasi ako nun kaya nagdala ako ng drum at balde, mahirap na maubusan. 

After ilang minutes na-bored ako. Napagisip-isip ko na umalis na dito sa clinic. Para na rin makaiwas dito sa nurse na may gusto sakin. Palapit na ng palapit eh. So naglakad na ko papunta sa room ko. Na hindi ko naman makita-kita. Kaya nagpunta ako dun sa may registrar para magtanong. Sabi naman nung ate dun itanong ko dun sa teacher na naglalakad. Tamad talaga ng mga to, trabaho nila yun eh. Nilapitan ko nga yung teacher.

 "Ma'am! wait! may itatanong lang po ako" hingal na sabi ko kc hinahabol ko siya..

 "Yes, what can I do for you?"

"Ma'am, can you please lead me to this section?" sabay abot ng papel na hawak ko

"Ah! so ikaw yung nawawalang student ko. Sabi ko na kulang yung bilang ko eh. Tatanungin ko na sana sa registrar kung may napadaan, buti na lang nakita na kita"

Jackpot! Adviser ko pa ata tong napagtanungan ko. Kanina pa daw niya ko hinahanap, sa isip-isip ko.."ma'am di niyo talaga ako makikita kasi nandun ako sa clinic dahil dun sa babaeng sumipa kay ano ko!"

Speaking of that weird girl. Nasaan na kaya yun ngayon? Humanda lang talaga siya. Tsk.

Blythe's pov

Ayun. Nakikinig sa teacher. Walang magawang iba. Walang kadaldalan. Yung bestfriend ko kasi nasa kabilang section. Wala rin naman akong katabi kasi medyo late na ko pumasok ng room kaya nandito ako sa dulo, sulok, mag-isa, dahil kasi dun kay boy lamig. Bakit ba siya nanaman naiisip ko, utang na loob naman.

Nang biglang bumalik yung teacher ko, yung adviser namin.In-interrupt niya yung lecture ng second teacher namin na ang subject ay physics.

"Class! meet your new classmate"

Sabay turo kay.......ka-ka-kaay WINTER?!  Napasigaw ako sa gulat sa nakita ko

"IKAW NANAMAN?!"

Syempre nawindang mga kaklase ko, guat sabay chismisan. Biglang umingay ang room dahil sa bulong-bulungan ng matatabil ang dila.

"may problema ba miss??"

Umiling nalang ako sa tanong ni ma'am at napayuko sa kahihiyan o dahil sa wala akong maisagot, hindi ko alam. Basta wag niyo kong tignan, okay na ko. Lumingon kayo sa iba parang awa niyo na. Wag niyo akong pagtinginan sige na. Bakit ayaw nila? Iba na lang, ayaw ko ng ganito.

"Transfer siya. Kaya wag kayong magtaka kung ngayon niyo lang nakita yung mukha niya. By the way Winter, you can choose your own seat since konti na lang naman ang natitira. Just choose a seat where you can read your teachers' lectures well and where you can hear them clear."

Okay. Wag lang sana sa..

"Ma'am, I wanna be seated next to that girl"

Sabay turo.. sakin. ha? ano? sakin? talaga? wag! di nga? Wala ba tong balak patahimikin ang buhay ko?

Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now