CHAPTER 7: Bes, be careful with your heart

1.7K 23 0
                                    

Blythe' pov

pumunta ako sa girl's cr kasama ko tong bestfriend ko na si Stacy Volks

waaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!! may mantsa yung uniform ko, tapos ang lagkit ng buhok ko T^T

grabe! nakita ko nanaman kasi yung lecheng seatmate ko na yun! tinapunan pa nila ko ng tropa niya ng pagkain. ganun ba siya kagalit sakin? ano bang nagawa kong mali? nakakainis talagaaaaaa!

bago lang naman ako dito eh T^T kaya hindi ko kilala yung lecheng tropa niya! wala akong pake sa kanila!

actually transfer ako lang kasi ako dito. I'm from Cebu. Napagdesisyunan namin ng family ko na lumipat dito for some serious reason.

at eto ako ngayon napadpad sa AdamVelt University. dito ko napagdesisyunang mag third year eh. kasi nandito bestfriend ko, kaso malas hindi kami pumasok sa iisang section.

at ang nakasama ko naman sa section one eh etong si boy lamig -_-"

tapos nagkita nanaman kami ngayon sa canteen. at sobra yung inabot kong kamalasan and by this time may kasama pa siyang dagdag malas sa buhay ko. na dadagdag sa bilang ng taong magpapahirap sa mundo ko.

 ano ba namang buhay tong meron ako o-oh! pasan ko ba ang problema ng buong mundo?

nakatitig lang ako sa salamin.

"Bes, grabe yung galit sa mukha mo. ano? papatay ka na ba ng tao? sabihin mo lang. wag ako unahin mo ha?" -Stacy

natawa naman ako sa sinabi nitong bestfriend ko kahit papaano. alam niya talaga takbo ng emotion ko.

"kasi naman kasi eh--!"

di na niya ako pinatapos sa pag eexplain. tinakpan niya agad yung bibig ko.

"bes, tama na. baka pumangit tayo sa kakaisip dun sa problema mo. by the way kilala mo ba yung mga boys kanina?" -Stacy

 napa-buntong hininga na lang ako.

at ikinuwento ko sa kanya lahat ng pangyayari kaninang umaga sa unang pagkikita namin ni boy lamig, yung tungkol dun sa bulletin board. pero hindi kasali yung pagiging seatmates namin. wala naman kasing kwenta kung sasabihin ko pa.

and sinabi ko rin na hindi ko kilala yung mga kasama niya.

"ha? ano? di mo ba alam eh yun yung tropa ng bully dito sa school. at yung sinipa mo eh kaibigan nila from US! well hindi sa bully sila, pero ginagamit nila ang popularity nila para hawakan sa leeg mga students dito. para bang mean girls boy version, parang ganun." -Stacy

"yeah, I know he's from US."

"ang tapang mo bes!" -Stacy

"yeah right..."

and I rolled my eyes like I dont hear or understand every single word she said.

"anong yeah right?! kailangan mo mag-explain sakin. parang naguguluhan ako sa mga nangyayari. seriously, may gusto ba sayo yung galing US?" -Stacy

"ano ka ba! wala no! at kung meron man. care ng long hair ko?"

"naku diyosa pala yung kausap ko! kaloka yung long hair mo te! umabot hanggang gate ng school! pero yung totoo, parang takot na takot sayo yun ah? base sa ugali ng tropa niya eh hindi sila yung tipong tumitiklop sa babae at stick to one sa girlfriend. sila yung tipong may flavor of the month or week or maybe day. yun usap-usapan dito lagi eh. kaya kung magkakagusto ka dun eh mag-ingat-ingat ka! baka mapaglaruan ka lang!" -Stacy

"hoy! bakit kung anu-anong sinisingit mong girlfriend girlfriend? eh ni hindi nga kami magkaibigan nun eh! kung di lang talaga kita bestfriend eh malamang sa malamang nasapak na kita! bunganga mo naman! di ko type yun no! Mataas kaya standards ko pagdating sa lalaki! at opposite yun ng lahat ng meron sya!"

"bes, state your standards nga ng malinawan utak ko. please lang oh" -Stacy

"oh eto buksan mong maigi tenga mo. 1. gusto ko ung marunong rumespeto, 2. ayaw ko sa mayabang, 3. gusto ko sa magalang, 4. ayaw ko sa machicks dapat stick to one, 5. gusto ko sa marunong magmahal sa family, 6. hindi maluho, 7. may sariling prinsipyo, 8. ...."

 at di na niya ako pinatapos, bastos talaga eh no?

"stop na bes! ano ba yang sinasabi mo? mga nakasulat sa listahan ng mga characteristics na maaring meron ang buong bilang ng mamamayang lalaki sa PIlipinas?! bes naman! di na uso yang trip mo na mala prince-charming-slash-mister-perfect-guy-slash-knight-and-shining-armor. Are you crazy or what?" -Stacy

"wag ka nga! walang pakialaman. kanya-kanyang trip lang yan bes!"

"parang ang impossible naman kasi ng trip mo! di na uso ngayon yung fairytale type na love story. sa TV lang yun and movies. sa mga palabas ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo lang yun bes!" -Stacy

"eh malay mo magkatotoo? di ba real life couple sila? so hindi imposibleng mangyari din yun sakin. di ba parang ang saya?"

"ewan ko sayo. bakit si Winter ba type mo?" -Stacy

"hindi nga! paulit-ulit naman tayo dito."

"sus! parang denial queen lang ang peg? baka kainin mo sinasagot mo sakin ngayon? baka bukas makalawa kayo na!" -Stacy

"never! kahit ipusta ko pa dugo't laman ko! ngayon na! agad-agad!"

"ayaw ko sa mga pustahan pustahan na yan! at baka magkaroon pa tayo ng kung anu-anong struggles, magkasukuan, masira ang pagkakaibigan, or magkamatayan dahil sa deal deal na yan" -Stacy

"ayaw mo kasing maniwala eh!"

"whatever" -Stacy

"putek naman! there is no way na magkakagusto ako dun ok?!"

"Fine! Basta bes tandaan mo lang, Hindi lahat ng fairytale naglalast forever, minsan may mga taong hindi deserving na tumanggap ng happy ending." -Stacy

"sinabi ko nga sayong di ko gusto yun!"

*KRRRRRIIIIIIIIIIINNGGG*

the bell just rang..

"Just please, be careful with your heart.... I don't want you to experience the heartaches I've been through before."

"sure! bye bes!"

Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now