Chapter Two

703 17 3
                                    

"Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak ka, kapit pa
Umula't bumagyo, magkasama tayo."

CHAPTER TWO

NAPATINGALA si Mika sa kalangitan nang maramdaman ang malalaking patak ng ulan. Kung kelan naman coding ang kotse niya ay saka pa siya inabutan ng ulan.  Kasalukuyan pa lang siyang naglalakad sa school grounds papunta sa gate.

Inilipat niya ang backpack mula sa likod papunta sa harap at naghanda na para tumakbo. Sasagasain niya na ang ulan dahil tiyak na mahihirapan na siyang makipagsisikan sa LRT mamaya kapag nagpatagal pa siya.

Ngunit bago pa man siya makatakbo ay may bigla nang pumigil sa braso niya kasabay ng pagpatong ng kung ano sa kaniyang ulo.

"Kagagaling mo lang sa dibdibang training, Idol. Magkakasakit ka niyan."

Agad niyang hinawi ang nakatakip sa ulo niya na nalaman niyang jacket pala para lingunin kung sino ang nagsalita.

"R-Ricci?"  Her heart automatically skipped a beat by the warm smile that greeted her.

He smiled widely when he heard her say his name.

"Great to know that you still remembered my name."  She saw a genuine spark of happiness in his eyes.  Nakakahawa ang ngiti nito kaya napangiti rin siya.

"Of course naman, eh last weekend lang 'yung party ni Jeron, no! Alam kong matanda na 'ko pero hindi pa naman ako ulyanin," sabay pabirong umirap dito.

"Ay grabe siya, o! Wala naman akong sinabing ganu'n, Idol," nahihiyang ngumiti ito. Pinahid nito ng kamay ang patak ng ulan na tumama sa noo nito.

"Oh shit! Bakit mo ba nilagay sa ulo ko 'tong jacket mo eh wala ka naman palang payong?" tanong niya nang mapansing nababasa na ito. Akmang ililipat niya ang jacket sa ulo nito nang pigilan nito ang kamay niya.

"It's okay, Mika. Take it kasi hindi ka pwedeng magkasakit."

"Ha?  Bakit, dahil may volleyball game kami this weekend?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi. Kasi mag-aalala ako."

Ay puta. Hokage moves si bagets! Bigla siyang napayuko dahil alam niyang nagkulay kamatis ang mga pisngi niya. Hindi niya napaghandaan iyon.  She felt like she hasn't blushed in a long time.

She looked at him and saw him grinning. Napangiti na lang din siya habang napapailing. "Halika nga rito," sabi niya. Pinatong niya sa ulo nito ang jacket. "Magshare na lang tayo tutal sa 'yo naman 'to."

Nakangiting inabot naman nito ang kabilang dulo ng jacket at sumiksik sa tabi niya para magkasya sila.

Nahigit niya ang paghinga nang salubungin ng mabangong amoy ang ilong niya. He smelled really really good. At ngayon niya lang napansin na kahit ang jacket nito ay napakabango din.  Hindi niya namamalayang sinisinghot-singhot niya na pala ang jacket nito. Napatigil lang siya when she heard him chuckle. She glared at him to cover up her embarrassment and then started walking.

"Sorry, ang cute mo lang kasi kaya natawa ako," sabi nito na halatang nagpipigil tumawa habang nakaagapay sa kaniya. "You sniff like a kitty."

"Oo na, busted ako," pag-amin niya.  Hindi na siya nag-attempt na magdahilan dahil lalo lamang siyang aasarin nito.  "Bakit kasi ang bango nitong jacket mo?"

"Eh dapat ba mabaho?" nakakalokong tanong nito.

"Gagi!" natatawang sabi niya. "Hindi ko lang ineexpect na ganiyan kabango ang gamit ng lalake."

Idol QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon