His Wife (11)

Magsimula sa umpisa
                                    

“ And where do you think you’re going?”tanong niya sakin. Pero ang ikinagulat ko eh wala yung galit sa boses niya, instead nandoon yung pag-aalala at pagmamakaawa. O guni guni ko lang ulit?

“ Pupunta ako sa lugar kung saan walang may nananakit na asawa” taas noo kong sagot sa kanya. Nung nasa biyahe ako, napagisip isip ko na, minsan, kailangan ko din maging matapang, kailangan ko ding lumaban, kailangan ko ding sumagot. Pero willing ba akong masaktan, para lang lumayo sa taong mahal ko? Nagsimula na akong maglagay ng damit ko sa maleta. Pero to my surprise, lahat ng inilalagay kong damit eh inaalis din niya.

“ JC!? Ano ka ba!” sigaw ko sa kanya. Mas lalo lang akong nahihirapan eh. Heto nga ako pinipilit ang sarili na huwag tignan siya, kasi once na tinignan ko siya, lalambot lang ulit yung puso ko at baka magbago pa yung desisyon ko na iwanan siya.

“ Pupunta ka ba sa lalaki mo, ha!?” sigaw niya sakin. Pero yung boses niya, alam ko, pinipilit lang niyang patatagin. Pero bakit? Tinignan ko siya ng masama. Nag aalsabalutan na nga ako, iyon pa rin yung iniisip niya!?

“ Oo, pupunta ako sa lalaki ko, may angal ka!?” ganting sigaw ko sa kanya at pumunta sa banyo para kunin yung personal necessities ko. Kinuha ko na rin yung mga nalalabi kong damit sa cabinet ko, yung mga pictures ko pero iniwan ko yung kay JC, at isinilid lahat sa maleta. Nanlulumo namang napaupo si JC sa kama.

“ Alam ko, hindi mo yun kaya. Wala ka namang lalaki diba?” sabi niya sa akin at tinitigan ako. Sabi ko na nga ba eh, kapag tumingin ako sa kanya, mababawasan yung urge ko para umalis na sa puder niya.

“ Bakit, ngayon mo lang nalaman na wala akong lalaki?” tanong ko at pinipigilan ko yung sarili ko na huwag umiyak. Hindi ako iiyak. Hindi na ako iiyak sa harap niya.

“ A-ano b-ba ang k-kailangan kong gawin para hindi m-mo a-k-o iwan, Emerald ko?. Why don’t you give me a chance instead of leaving me? Please” tanong niya. Doon na ako napaiyak. Bakit? Bakit kung kelan buo na ang desisyon ko na iwan siya, eh tsaka pa siya gaganyan sa akin? Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit kelangan niya ulit akong paasahin tapos sa dulo eh sasaktan din naman niya ako. Hinawakan ko yung pisngi niya at hinalikan iyon. Last kiss ang peg?  Pero last chance? Is he worth my last chance? Pero diba, sabi ko, hindi na ako magpapakamartir. Iiwan ko na siya. Pero kapag iniwan ko ba siya eh sasaya ako? Hindi naman di ba? Kaya… I’ll give my last chance.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon