Hindi ko rin alam ang dapat gawin if I were into his shoes.

Of course he should go home, pero sa sitwasyon niya, hindi 'yon gano'n kadali 'no. I'm sure nahihiya siya sa mga kapatid niya, even though he shouldn't.

Si Miles ang nagdala ng mga kailangan gamit ni Orange such as damit, uniform, pyjamas, underwear (ehem), at ilang gamit sa school na rin.

"So... in other words, para na kayong live-in?" tatawa-tawang tanong ni Miles.

Nakatikim lang naman siya sa'kin ng isang malakas na suntok sa braso.

The whole Pyxis knows our situation as well, kahapon nga full force silang nagpunta dito. Kumain lang kami, nagtulong si Aiden at Ice sa pagluluto. Nagrereklamo na kasi si Orange, nagsasawa na raw siya sa Jollibee. Hindi ko siya maintindihan, the best kaya ang Jollibee!

We talked for a bit as well, bago sila umuwi.

Masaya kakwentuhan ang Pyxis eh, minsan may sense, minsan wala. Si Noah lang ang consistent na may sense kausap. One minute we were talking about graduation, (it's still a few months away, pero nalulungkot na agad ako. Aiden, Ice, Hunter and Noah are all graduating next year) and the future, kung anong course ang kukunin nila, and the next think I knew, nasa aliens at galaxy na ang topic ng usapan namin. I think it was because Jacin mentioned, that if he was given a chance, he would want to be an astronaut.

What we didn't talk about, is Tyler's situation. We didn't need too.

He knows we're here for him, at sa tingin ko sapat na 'yon para sa kanya.

The main goal was to distract Orange that night, and I think we did.

"This isn't so bad." says Orange. Kasalukuyan kaming nagtutulong na maghugas ng plato.

Konti lang naman dahil kaming dalawa lang ang kumain. Hindi tulad kahapon, ang dami naming hinugasan. Akala ko nga hindi siya marunong eh, dahil hindi lang naman siya mukhang prinsipe, buhay prinsipe rin. They have a lot of maids in their mansion, so I don't really expect much from Orange pagdating sa mga gawaing bahay.

Then I remember what Miles said, na isa sa mga parusa sa kanila ng principal noon, ay ang maglinis ng buong school at tumulong sa cafeteria. Siguro madalas silang pinaghuhugas ng plato. Mga pasaway eh.

"Ang ano?" tanong ko, ako ang nagsasabon at siya ang nagbabanlaw. So domestic, baka ma-in love ako.

Charot!

"Living with you." Orange says, kinuha ang mangkok na inabot ko.

I freeze. Gusto kong tumingin sa kanya, but I can see from my side na abala siya sa pagbabanlaw ng mangkok.

Parang biglang sumakay ng kabayo ang puso ko, nakikipagkarera.

Ah, king ina. Karupukan is real.

Now don't misunderstand. Yes, Orange is staying here pero hindi kami tabi matulog, okay? Isang beses lang kami nagkatabi, and I don't think he's aware of that. Hindi na 'yon naulit! Sa kwarto ako ni mama natutulog. Nasa Davao pa rin kasi si Mama, pipilitin daw niyang makauwi this week, pero kung hindi kakayanin, baka hanggang next week pa sila doon.

Lumunok na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot kay Orange. Kinuha ko ang kutsara at sinabon itong mabuti.

"Except for the cooking part." sabi ulit ni Orange.

Okay na eh. Inis ko siyang nilingon, "Pasta lang naman ang alam mong iluto ah?"

Nagpakitang gilas kasi siya sa'kin no'ng isang araw, siya ang nagluto ng dinner namin sa halip na magpa-deliver ulit ako sa Jollibee. He made the pasta sauce, mula lang sa mga ingredients sa ref. The taste... is not so bad, I'll give him that.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Where stories live. Discover now