Chapter 29

2.6K 139 29
                                    


Chapter 29 - Falling or Fallen?


"Sa couch na lang ako."

"B-bakit?"

Now I feel stupid for asking that question. Ano bang pwedeng mangyari sa isang lalaki at babae na nasa iisang kwarto, may higaan sa tapat, at pareho pang bagong paligo?

Tumikhim ako bago nagpatuloy. "D-dito ka na lang, sa kwarto na lang ako ni Mama."

Geez, why am I stuttering?

Orange nods, and gives me a forced smile. "Thank you, Alisson."

"Mahiga ka na." I gesture him my bed.

Tama ba ang sinabi ko? Hindi ba 'yon tunog na nag-aaya ng ano—okay, I need to stop thinking right now, bago pa kung saan mapunta.

"If you need anything, sa katabing kwarto lang ako, okay?"

Orange simply nods.

I don't sound like I want him in the next room with me, right?

Alisson, what the fuck?

Sinampal ko na lang ang sarili ko mentally bago tinungo ang pinto. Hawak ko ang knob nang muli ko siyang nilingon.

Orange looks so sad, and hurt... and lost. Like a stray puppy, looking for a home.

He probably doesn't expect na lilingon ako; he quickly looks away, to hide his face and emotions. Paano ko naman siya maiiwan?

Naglakad ako pabalik sa kama.

"Hindi pa pala ako inaantok. D-dito muna ako." umupo ako malapit sa head rest. "O-okay lang ba?" Nagtanong talaga ako pagkatapos kong umupo. Para akong tanga.

Umupo siya sa kabilang side naman ng head rest. "This is your room, not mine. Of course it's okay." His lips lift up, it's like a very small smile.

"Inaantok ka na ba?"

He sighs, "I want to sleep, but my thoughts won't let me."

"Edi 'wag kang mag-isip."

"Like it was that easy."

Hinawakan ko ang kamay niya. Kinulong ko sa dalawang palad ko. His hands are too big, hindi kayang sakupin ng mga kamay ko. But I guess it's enough to give him warmth. "Dito lang ako. Hindi ako aalis hangga't hindi ka pa nakakatulog. Babantayan kita."

Lumambot ang expression ni Orange, he even smiles softly too. "Thanks."

At doon ko lang na-realize kung anong ginawa ko. Hinawakan ko ang kamay niya, habang magkalapit kami at nasa iisang kama. What the hell am I doing?

Dahan-dahan ko siyang binitawan, baka kapag binigla ko, isipin niya hindi ako seryoso sa sinabi ko eh.

Bago ko tuluyang maibalik sa gilid ko ang mga kamay ko, hinabol niya ito at siya namang nagsalikop nito sa mga kamay niya.

He doesn't say anything, nakatitig lang siya sa mga kamay namin.

Napalunok na lang ako.

Geez, konti na lang lalabas na sa lalamunan ko ang puso ko. Baka maramdaman niya sa pulso ko ang nagwawala kong puso! Hindi pwede 'yon!

Pero hindi ko rin alam kung paano babawiin ang kamay ko.

Parang ayoko na rin yatang bawiin.

I kind of like the feeling of his hands against mine. Okay, screw the 'kind of' dahil gusto ko naman talaga.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon