Chapter 30

2.9K 131 48
                                    


Chapter 30 - Not Yet


"I'm tired of pretending." Tyler pauses for a moment, and then...

The doorbell rings.

Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi, masyado akong na-excite sa sumigaw mula sa labas.

"Jollibee delivery!"

Tumakbo agad ako papunta sa pinto.

Orange is staying here, ayoko naman siyang magutom. Hindi rin naman pwedeng puro pancit canton at cereal ang kainin namin maghapon. Kaya ko namang tumagal na gano'n lang ang kinakain dahil tamad akong magluto, but I'm not sure if Orange can. I have to make sure he won't starve.

Caring akong fake girlfriend eh.

"Thank you, ma'am." says the cute delivery guy pagkakuha ko sa mga order. I give him a tip, because he deserves it.

"You're welcome kuya, ingat ka pabalik."

Pagbalik ko sa loob, sinalubong ako ni Orange sa sala. Masama ang mukha.

Siya na ang binilhan ng pagkain, bakit mukha pa siyang galit?

Nilampasan ko siya at dumiretso sa kitchen. Wala siyang nagawa kundi sumunod sa'kin.

"Palagi ka bang nagpapa-deliver kapag ikaw lang mag-isa?"

Tango lang ang sinagot ko sa tanong niya. Isa-isa kong nilabas ang spaghetti, two-piece chicken, fries, burgers, jollihotdog, sundae at coke sa brown na paper bag. Takot talaga akong magutom si Orange eh.

"Gusto mo bang mamatay nang maaga?"

"Kaysa naman mamatay ako sa gutom. Edi mamatay na ako sa pagkain ng favourite food ko." I say in a matter-of-fact tone. Tama naman ako eh.

"I can't believe you." He sighs in disbelief, "Why don't you try cooking?"

"Hindi ako marunong."

Nagpaikot siya ng mata dahil sa sagot ko. Nakaka-insulto ah!

"Hindi ka rin naman marunong ah!" Nginisihan ko siya, "Troy told me."

"I know how to cook..." depensa niya, "Pastas."

"Sabi nga ni Theo, mahilig ka raw sa pasta."

"Do you talk to them that much?"

"Not that much." I gesture him our delicious food. "Kain na. Bitin ang pancit canton eh. Breakfast, lunch at meryenda na natin 'yan. We can order again for dinner."

Orange shakes his head and rolls his eyes, again. Sabay kaming naupo sa dining table; magkaharap.

"Pwede ka namang mag-thank you na lang." Inirapan ko siya bago nilantakan ang spaghetti. "Ah, ano pala 'yong sinasabi mo kanina?"

And to my surprise Orange glares. And not just a simple glare; a death glare.

Ano na naman kayang problema nito? "Nanghahamon ka ba ng away, Smith?"

"Tch." Is his only reaction, before biting his burger.


~*~


Pangatlong araw na ni Orange ngayon sa bahay. Masyado na yata siyang nag-enjoy sa pagtira namin sa iisang bubong.

Okay, charot lang.

He's probably still thinking. Reflecting. Or probably preparing himself to go home. Madalas ko siyang nakikita na kung hindi salubong ang kilay, nakatingin naman sa kawalan, sa school man o dito sa bahay.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon