Chapter 4

3K 134 57
                                    


Chapter 4 - Proposal


What a wonderful morning! Hindi ko yata pagsasawaan ang pagtitig sa magagandang halaman at mga bulaklak. Ang sarap ding pagmasdan ng mga puno. Idagdag pa ang cold morning breeze and the beautiful sounds of the birds chirping, I feel like the happiest person in the world. Kung ito ang araw araw na masisilayan ko tuwing umaga, hindi na ko mag-a-absent.

Cherry blossoms na lang ang kulang, pakiramdam ko nasa anime world na talaga ako. Medyo maaga pa kaya wala pa ring gaanong estudyante sa paligid

Everything is just perfect.

Almost.

Nasira ang pagmo-moment ko dahil sa pagdaan ng isang napakabilis na puting kotse. Hindi lang basta-basta kotse, it's the latest model of Porsche Cayenne! I know it is! Matagal kong inabangan ang launching ng model na 'yon kahit wala akong pambili. I've watched too many videos of its reviews and test drives! Ilang beses ko nang na-imagine ang sarili ko na dina-drive ang magarang sasakyan na 'yon!

And now that I've seen one in person, it's already like a dream come true. Gaano ba kayaman ang mga tao dito? Parang kailan lang na mai-launch ito sa Pilipinas, tapos meron na agad sila? Sino kaya ang may-ari noon? Tsk. Napakabilis mag-drive! Hindi man lang magdahan-dahan, pano na lang kung magasgasan niya 'yon? Hindi ko siya mapapatawad kahit sasakyan niya pa 'yon!

Dahil maaga pa, wala pang pila sa lift. Nakarating agad ako sa classroom namin. Wala pa ring gaanong tao, kaya nagmuni-muni muna ako at tumingin sa labas ng bintana. Kailan ba 'ko yayaman? Para makabili na ko ng sasakyan.

"Good morning, Alisson!" nakangiting bati sa'kin ni Miles. Kasing liwanag niya ang umaga.

Napangiti na rin ako, "Morning, Miles."

Nawala ang maganda kong view sa labas ng bintana dahil umupo na si Orange. Ang aga aga, nakabusangot na agad ang mukha niya.

"Morning Orange." Bati ko na rin sa kanya, malamang bukod sa Pyxis, wala nang ibang bumabati sa kanya sa sama ng mukha niya.

"Tch." Ang tanging sagot niya.

Hindi man lang bumati pabalik! Sayang ang effort ko. Tsk. "Good morning, my beautiful nightmare." Bati ko sa sarili ko sa mas pinalaking boses, kaya natawa si Miles.

Sinamaan lang ako ng tingin ni Orange. Wala na ang bandage sa right cheek niya, pero naka-band aid na ang hiwa sa left cheekbone niya.

Ako naman may band aid sa noo. Mabuti na lang umimpis ang bukol bago pa makauwi si Mama kagabi. Pero nakita niya pa rin ang sugat, kaya sinabi ko na lang na nauntog ako. I don't know if she fully believes me pero hindi naman na siya nagtanong pa.

Mabilis lang natapos ang morning classes, halos matuyo ang utak ko dahil sa lessons. I almost lost it nang mag-Algebra. Hindi ko talaga kinaya. I feel so hungry too.

Inaya ulit ako ni Miles na sumabay mag-lunch sa kanila, tatanggi sana ulit ako, but he looks so hopeful. I don't want to hurt his feelings.

Pagdating namin sa cafeteria, naghihintay na ang lima pang miyembro ng Pyxis. Agad silang ngumiti pagkakita sa'min. Isa-isa rin nila akong binati.

"Hello, handsome dudes." I greet back.

"How's your morning class?" tanong sa'min ni Silver Hair—este ni Noah.

"Algebra is hell." sagot ko.

"It's a miracle we survived," segunda ni Miles. Tatlo kaming nangamote sa Algebra. Akala ko nga mananakit na si Orange kanina e.

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon