You're Mine

32.8K 765 31
                                    

Shailine is in hurry going up to Matt's condo to surprise him. They're both legal, kung tutuusin para na silang mag-asawa at kasal na lang ang kulang sa kanila.

Nagtaka siya nang hindi naka-lock ang pintuan nito. Nilakihan niya ang pagbukas at tuluyan ng pumasok. Tumuloy siya silid ni Matt ngunit agad na napatigil sa pagpihit ng door knob nang makarinig ng tila humahalinghing.

Kumabog ng husto ang dibdib niya, biglang binalot ng kaba ang buo niyang pagkatao. Nanginginig na itinuloy sa pagpihit ang pinto.

And there! She narrowed her eyes and covered her mouth. She can't move, think and even don't know how to react. Basta na lamang namalayan niya ang sunod-sunod na pagpatak ng luha.

Bumalikwas si Matt nang makita si Shailine sa bungad ng pintuan. Ang luhaang mukha nito ang sumalubong sa kanya. Iiling-iling na tumalikod at tumakbo palabas. Sinundan niya ito at hinagip ang kamay.

"Pak!"

"Sha..."

"Good job, Matt..." He composed herself to be calm, ang luha niya ay tila tubig na walang tigil sa pag daloy sa kanyang pisngi, "a-all my life, wala akong ginawa kundi ang mahalin ka... i gave everything to you. Wala akong itinira para sa sarili ko, I trusted you with all my heart..." She wiped her tears away. Si Matt, nakayuko sa harapan niya. She expelled a heavy sigh and continued, "is this the reward I get after 6 years of loving you? Ang sakit-sakit, Matt!" Dinuro niya ang dibdib nito, "kulang ba ako sa'yo? Kulang pa ba ako?! Sana sinabi mo na lang at hindi mo ako ginawang tanga!"

"I'm sorry, Sha but..."

"But ano?! You fell out of love to me kaya nangaliwa ka? Kaya niloloko mo ako behind my back?"

"You deserve someone better, Sha. At hindi ako yun... I'm sorry."

"Really?" She mocked, "do you think that someone better is deserving to be in my life when all of me I already give it to you?! You're selfish idiot, Matthew!"

"Sha..." nagmamakaawang boses ni Matt.

Marahas na pinahiran ni Shailine ang luhaang mukha, pilit na pinapatatag ang loob kahit ang totoo ay gusto na niyang sumabog sa harap nito.

"Thank you for hurting me so bad, Matt. Maging masaya ka sana."

Mabilis ang hakbang na tinungo niya ang elevator. Hind pinansin ang tawag ni Matt. Sinikap niyang pigilan ang muling pagtulo ng mga luha pero hindi niya magawa.

You're MineWhere stories live. Discover now