SSOSM Entry 2: Can't You Remember (WINNER)

1.4K 40 48
                                    

KPNote: Entry number two written by:

Name: Queenie Duran
Watty Account: asdfghjkwen
Character used: Nurse Queenie and Sergeant Antonio Bonifacio Luna

Enjoy reading people... Your critique's are highly appreciated..

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Dear Ms. Kettle,

Ms. Kettle. Pwede bang ilabas ko na lahat-lahat? Sobrang sakit na kasi eh. Ayoko na.

xoxo, Queenie

_______________________

Sperm cell at egg cell palang ata kami ni Antonio Bonifacio Luna itinakda na kami para sa isa't isa. He was born the day before I was born. See? Magkasunod. Destiny.

Sabay kaming lumaki. Sabay na nagdalaga at nagbinata. Sabay na grumaduate kahit na bigla nalang sya nagsilbi sa bayan ng walang pasabi, pinanindigan nya talaga yung pangalan nya, kahit man lang "Hoy Queenie, mag-a-army ako. K. Bye." O baka naman kasi wala talaga syang pakialam sakin.

Sino ba naman ako? Isa lang naman akong bestfriend.

Bestfriend. Masakit.

He was your life, your everything. Pero para sakanya? You're nothing but a trash ha-ha. Ang saya. Ang saya- saya. Binabasura nya na ko lahat-lahat nandito parin ako nagmamahal sakanya. Binabalewala na ko lahat-lahat, ito parin ako naghihintay. Ang tanga ko diba?

Natatandaan ko pa kung paano tayo officially naging mag-bestfriend. Naaalala mo nung values class natin nung grade 2 tayo? Tinanong tayo ng teacher natin sa klase kung sino-sino ang mga magkaibigan na lalaki at babae. I was hesitant to raise my hand that time, paano pag hindi mo pala ako tinuturing na bestfriend edi pahiya lang ako nun. Pero you were the one who rose my hand while you raise your other free hand. You even said, "Bakit di mo itinataas ang kamay mo? Di mo ba ko tinuturing na bestfriend? You're hurting me." I smiled. Ikaw mismo ang nagdeklara nun. Pero bakit ikaw yung unang bumitaw?

Natatandaan ko pa nung third year high school tayo, you had your first girlfriend. Nung time na yun parang gumuho ang mundo ko. Ako dapat yun diba? Kasi ako yung palaging nandyan, pagkailangan mo ko kahit busy ako inuuna kita. Kahit ayaw ko, umuuo nalang. Wala eh. Mahal kita. Tanga diba? Mahal kita, mahal mo iba. Saya! Ang saya-saya.

One time, pagkarating na pagkarating ko ng classroom natin hinila mo ko agad. Akala ko kung ano na. Yun pala kiniwento mo lang sakin kung gaano ka kasaya kasi nakasama mo sya kahapon, I have felt it. On how you grip my shoulders kasi kinikilig ka. Kiniwento mo pa sakin kung paano mo sya niyakap at hinalikan. Kung paano kayo nagyakapan habang tinitingnan ang paglubog ng araw. Alam mo bang ang sakit-sakit nun? Para akong dinudurog ng milyon-milyong kutsilyo. Napakasakit. Gustong-gusto ko nang umiyak pero pinililit ko paring ngumiti para lang makita mo na masaya ako para sayo. Mahal kita eh. Sobra.

Pero hindi din kayo nagtagal. Masama ba kung sasabihin ko na sobrang saya ko noong nalaman kong break na kayo? Na kulang nalang magpa-party ako kasi babalik ka na ulit sakin. Mas madalas na ulit kitang makakasama. Kasi miss na miss na kita.
Pero parang nakalimutan mo na atang may bestfriend ka. Akala ko babalik ka na sakin tulad ng dati, yung tayo yung magpartner. Yung tayo yung laging magkasangga.

Pero mas gusto mo ng makasama yung mga nakilala mo sa tennis club. Mas gusto mo nang kasama yung mga cool. Eh bakit ka naman kasi sasama sa babaeng nagsusuot ng mahabang palda at malaking glasses na may mataas na grado at palaging nakatarintas na buhok. Who would wanna be friends with a nerd anyway?

Scott Series One Shot ManiaWhere stories live. Discover now