↬Chapter 4

6.4K 122 4
                                    

CHAPTER 4: NEVER MIND

Maaga ako nagising. Or should i say, Hindi ako masyadong naka tulog kagabi.

Alas quatro palang ay nagising na ako. Init na init kasi kami kagabi dahil nawalan kami ng kuryente, Alas dose na ng madaling araw na mabalik ito.

Kaya todo paypay ako kagabi kay Casey, hindi ko naman magawang gisingin si Nathan kasi pagod siya sa gig niya kahapon.

Ngayon din ang unang araw ko sa Ridgeview. Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw ang pag aalala ko kay Casey,

Isang araw ko siyang hindi makakasama, Sana maging okay siya kay Mama Luisa.

9:30 pa ang pasok ko at mag a-alas otso na, malapit lang naman ang Ridgeview sa min kaya keri lang ang mag lakad pag umaga, Basta maaga ka lang umalis.

Karga ko ngayon si Casey na kagigising palang.

"Good morning baby ko." Pagkatapos ay hinalikan ko siya sa pisngi. "Cute cute pa."

Pinaliguan ko na si Casey at pagkatapos ay nag breastfeed ako.
Binihisan ko siya at lumabas na nang kwarto.

Ano oras ba yung pasok ni Nathan? Wala naman siyang sinabi kong ano oras ang pasok niya, Naglasing pa naman yun kagabi baka anong oras na yun gigising, at ako pa ang ma late!

Ihahatid pa namin ni Nathan si Casey kay Mama Luisa

Kumatok ako ng ilang beses. Pero ang tagal niyang buksan.

"Mmmmn ma." ani ni Casey.

"Nathan, buksan mo nga tong pinto."sabi ko.

Nagulat naman ako ng agad niya binuksan ang Pinto.

Pero ang mas ikinagulat ko dahil naka tuwalya lang siya. Kakatapos lang maligo

"What?"iritado niyang sabi. "Stop staring, "sabi nya. Natauhan naman ako. "Ano oras ba pasok mo?"tanong ko.

Napakamot siya ng ulo. Halatang inaantok pa.

"9:30 pasok ko."aniya "Ihahatid pa natin si Casey kay Mama diba? bakit di ka pa nag u- uniform?" Dugtong niya.

Nakita naman ni Casey ang daddy niya kaya gusto niyang kargahin siya ni Nathan.

"Wait a minute Casey."sabi ni Nathan kay Casey.

Agad namang sinoot ni Nathan ang panloob nyang damit pagkatapos ay isinoot ang Uniform niya.

Pagkatapos ay kinarga na ni Nathan si Casey. Tuwang tuwa naman si Casey.

"Magbibihis na akong uniform" sabi ko at lumabas na kaagad ng kwarto niya.

Nang natapos ako sa pagbibihis ay Tumawag naman si Mama Luisa, sinagot ko ito habang inaayos ang necktie ko.

"Hello Ma?" sabi ko hanang pababa ako ng hagdan.

"Anong oras na? Asan na kayo, ihatid nyo na si Casey dito. Baka ma late pa kayo."Aniya.

"Opo, Mama Luisa, pa alis na po kami." sabi ko.

Pinuntahan ko si Nathan na ngayon ay kumakain, habang karga si Casey!

"Uy akin na si Casey, bilisan mo nga ang pag kain. ma lelelate na tayo eh."sabi ko.

"Tapos na ako. Punta kana sa Kotse, Mag to-toothbrush lang ako. "Aniya at sinunod ko naman si Nathan.

Kinuha ko naman ang bag kong nilagay ko sa Sofa kanina. May gamit naman si Casey sa bahay nila Mama Luisa kaya di na ako nagdala ng gamit niya.

"Casey, dirty yan."sabi ko at kinuha ang hawak nyang laruan para punasan. Kinakagat niya kasi ang Laruang hawak niya.

A Wife to a VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon