↬Chapter 5

19.7K 282 16
                                    

Chapter 5 

"Pasensiya na ginabi kami. "Ani ni Mama Luisa.

Inabot na kasi sila nang alas syete. Kararating ko lang din naman galing sa Rigdeview.

Alas nueve hanggang ala sais nang gabi ang pasok ko tuwing lunes pero pagdating ng huwebes ay dalawang subject lang ang pasok ko.

Nang nahagip ako nang mga mata ni Casey at tila napangiti ito.

Casey extended her arms for me. Ibinigay naman siya sa akin ni Mama Luisa.

"Casey namiss kani mommy."sabi ko pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi.

Ilang sandali lang ay pumasok ang driver kasunod si Nathan na dala dala ang mga pinamiling mga iilang gamit sa bahay at mga diaper ni Casey.

Umupo si Mama Luisa sa sofa at hinilot ang sinitido.

"Alexa, nakausap ko na ang kumare ko. Sa susunod na linggo na dadating ang katulong." aniya at umayos sa pagkaka upo.

Lumapit sakin si Nathan para kuhain si Casey, Gusto niyang ipakita ang mga laruang pinamili kay Casey.

Umupo nalang din ako sofa. Tumango ako kay Mama Luisa.

"Alam mo iha' pinalaki ko sila Nathan nang walang katulong. I become a full time mom, Kaya sana..." aniya.

"Hanggat kaya ninyong alagaan si Casey ay gawin ninyo. Huwag ninyong hahayaang ibang tao ang mag alaga sa kanya. But then again, you guys are very busy. I know, pero kung kaming dalawa ni balae ang tatanungin hindi kami sang-ayon sa pagkuha ng baby sitter." dugtong niya.

"At ikaw din. I know hindi karin lumaking may katulong sa bahay, diba?"

Tumango ako. Iyon din naman ang gusto kong mangyari, Pero hindi ako sigurado kung makakaya ko ba. I take my studies seriously, hindi lang basta basta. Importante sa akin ang mataas na grades. I'm an honor student back then, Kaya lang naging mapusok ako....

Tumayo na si Mama Luisa at sumenyas na sa driver na kaagad ding lumabas

"Nathan we already talked about it. Take it seriously my son. Mauuna na ako" Aniya

Tumango lang si Nathan at humalik sa pisngi ng ina.

Nang maka aalis si Mama Luisa ay bumalot nang katahimikan ang bahay, tangging ingay lang na mula kay Casey.

Parehas kaming na kay Casey ang atensyon.

Hindi ko namamalayang nakangiti na pala kami pareho habang tinitignan siyang naglalaro. Sana baby ka nalang forever anak...joke hindi naman pwede yun

"Kain tayo sa labas. " aniya.

Napa tingin ako sa kanya. Tila hindi kumbinsido sa kanyang sinabi. "Wala ka bang gig or dapat na puntahan?" tanong ko.

"Shh...Casey dirty yan" sabi ko at ka agad din namang kinuha ni Nathan ang laruang kinakagat ni Casey.

"Wala naman. I'll just changed my clothes" Tumayo siya at umakyat na sa kwarto.w

I smiled... Sa sobrang saya ko ay kinuha ko si Casey at niyakap. 

Hindi ko na kailangan magpalit ng damit dahil mukha naman disente itong suot ko.

Pagka baba ni Nathan ay naka khaki short na siya at naka dark blue na shirt with his ball cap. His typical na pang bagay attire. 

"Sure kang pwede? Lalabas talaga tayo?" Tanong ko.

"Yup. " aniya at pinaglaruan ang susi ng kotse.

Kinarga ko si Casey at sinarado ang pinto. "

A Wife to a VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon