↬Chapter 15

16.6K 282 8
                                    



Chapter 15: Temporary Happiness

Hindi ako makapag focus sa pag rereview iniisip ko parin kasi yung post. Kanina ko pa pininpilit alisin sa isipan ko pero hindi ko magawa balewala ang pag babasang ginagawa ko.

Si Marcus kaya may kinalaman dito? Siya lang naman ang sinabihan kong pupunta ako ng hospital kanina....

Pero kaibigan ko siya, alam kong hindi niya iyon magagawa, pero ughh!! bakit ang lakas ng kutob ko sakaniya

Wala na akong ibang maisip kung sino ang maaring gumawa a nun' 

Naisipan kong bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Nakakarating kanila mommy yung litrato at balak nila pumunta kasama ako sa admin ng ridgeview pero sabi ko ay huwag muna dahil hindi pa naman na napapatunayan na ako yung nasa picture. 

 Sinilip ko muna si Casey sa kanyang crib bago bumaba.

Hindi ko na muling tinignan ang nasa post  hindi ko kayang basahin yung mga comments, kinakabahan ako at natatakot sa mga komentong nakikita, 

Biglang bumukas ang ref at nakaramdam ako ng presensiya ni Nathan.

Napatingin ako sakanya. "So, anong plano?" sabi ko.

"Right now, walang nakakaalam na ikaw ang nasa picture and I already asked my connections na i-report yung post at kaka check ko lang deleted na yung post." ginanahan ang loob ko sa sinabi niya. 

Bumuntong hininga siya. "Next sem Alexa you'll take your other subjects online. " aniya.

"And please huwag kang lalabas ng bahay without telling me." he looked at me with his concern look. "Pati rin ako mag iingat. Mainip ang mata ng media sa banda. Yung kabanda ko na involved sa isang incident. It's really serious"

I didn't speak.  "At higit sa lahat, layuan mo si Marcus." he speaks with authority. 

Tumango lang ako. "Pero teka!! I'll take my subjectsi online pwede  ba yun?"

"Mom will talk to your deam, don't worry si mommy ang bahala."

"Pero bakit si mommy? makakahalata sila Nathan pwedeng ako nalang kumausap."

"No, mom know what to say, she'll take care of that."

"Nathan kahit na baka mag duda pa rin sila."

Malalim siyang bumuntong hininga at hindi ako sinagot. "I'm really tired Alexa." aniya at isiniksik ang mukha niya sa aking leeg at niyakap niya ako mula sa likod. 

"Soon Alexa, everything will be okay. I'm sorry if we live like this, I'm sorry for making it hard for you. Thank you for understanding my job."

Hindi na ako nagsalita pa, hinayaan ko lang ang ganitong pwesto namin.

Ilang sandali lang ay biglang umingay sa kwarto. "Si Casey umiiyak yata." saad ko. Dali dali akong umakyat sa taas. 

Tama nga ang hinala ko nagising si Casey at umiiyak

Kinarga ko siya. "Shhh...baby tahan na nandito na si Mommy."

Habang pinapatahan ko ay bumukas ang pinto, pumasok si Nathan at inilahad ang kamay para kuhain sa akin si Nathan. 

Binigay ko ito sa kaniya. Saglit ko silang tinignan at hindi ko mapigilang ngumiti, Ang ganda nilang pagmasdan. 

Habang pinapatulog ni Nathan si Casey ay inayos ko naman ang kama. Ilang sandali lang ay nakatulog na ulit si Casey  kay Nathan at dahan dahan niya itong inihiga sa crib. 

Nakaramdam na rin ako ng antok kaya nahiga narin ako. Ipinikit ko na ang aking mga mata. 

Maya maya pa ay biglang humiga sa tabi ko si Nathan at yumakap siya sakin.

Mas lalong naging mahimbing ang pag tulog ko.

Kinabukasan maaga akong nagising nakita kong wala na akong katabi at wala na si Casey. 

Chineck ko ang cellphone ko at text mula kay Sofia at Chloe ang natangganp ko.

Nang bubuksan ko na ang text nila ay biglang namatay ang cellphone ko.

Nakalimutan ko palang i-charge to' kagabi. 

Babangon na sana ako ng biglang pumasok si Nathan karga karga si Nathan at pinapalipad pa niya ito sa Ere.

Si Casey naman ay panay ang hagikhik.

"Gising na pala si Mommy" Ani ni Nathan at hinalikan sa pisngi bago niya ibinaba sa kama.

Si Casey naman ay gumapang papunta sakin pagkatapos ay niyakap ako. "Kiss mommy" sabi ko, nilapit naman ni Nathan si Casey papunta sakin. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap ko din siya ng mahigpit. "Good morning my little angel."saad ko

Si Nathan naman ay lumapit papunta sa amin at hindi parin mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Hinalikan niya ang mga maliliit na kamay ni Casey. 

"Dada da da"sabi ni Casey pagkatapos ay pumapalakpak pa.

"Ano sabi mo baby?"binuhat ni Nathan si Casey at hinahalikhalikan sa pisngi. "Daddy?"

Si Casey naman ay hagikhik ng hagikhik. Nakakatuwa naman dahil ang sweet ng mag ama ngayon.

"Nagluto si Mary ng almusal tara na sa baba." aniya at hinawakan ang kamay
ko.

"Sige susunod lang ako, maliligo lang ako" sabi ko at tumayo na para pumuntang banyo.

Pero hinatak niya ako at inamoy amoy ang aking leeg.

"Wag kana maligo, mabango kana man eh. "Aniya pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi pagkatapos ay ang aking leeg.

Nakiliti naman ako sa ginawa niya "Ano ba tigil tigilan mo nga ako Nathan karga karga mo si Casey umayos ka nga."saway ko sakanya.

Ngumisi naman siya. "Naglalambing lang eh."Aniya

"Labas na kayo. Maghihilamos lang ako."Sumunod naman si Nathan.

Ngumiti ako sakanya. Ganon din siya sakin. Masaya ako dahil ang ganda ng pasok ng umaga ko, Mukha lalo akong ma-iinspire sa exam ko mamaya. 


A Wife to a VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon