Kabanata 36

13K 279 34
                                    

Vasquez or Chua?

Vote for Vasquez
Comment for Chua

Tignan ko lang kung kanino nyo gusto si Alexa hahaha!

Kabanata 36


Kinilabutan ako sa aking narinig.

Shit namiss ko ito. Ang mga yakap niya. Ang boses niya. Ang amoy niya.

Napapikit ako sa yakap niya.

"Alexa."aniya

Napabitaw ako sa yakap niya. Bumalik ang sistema ko ng tinawag niya ako sa aking pangalan.

Naalala ko bigla ang ginawa niyan sakin. Ang pagtratraydor, lahat lahat ay naalala ko.

"Nathan."mariin kong sabi.

Lumayo ako sakanya.

Akmang lakapit siya "Wag mo ako susundan." Banta ko.

Tumakbo ako papalabas ng lobby.

Narinig kong tinawag ni Mam Janine ang pangalan ko pero binalewala ko lang siya

Nakita ko ang kotse ni Niel sa tapat ng kompanya.

Sumakay agad ako sa kotse.

Nagulat siya sa biglaang pagsakay ko doon.

"Please umuwi na tayo. Paandarin mo na."Natataranta kong sabi

Bakas sa mukha niya ang pagaalala.

"Mommy bakit po?" tanong ni Casey.

Lumingon ako kay Casey na nasa likod ng sasakyan.

Pilit akong ngumiti. "Wala anak."umiling ako at ibinaling ko ang atensyon ko sa daan.

Kinagat ko ang baba ng aking labi. Pinipigil ko ang sarili kong huwag umiyak.

Si Niel naman ay nagmamaneho lang pero napapansin kong palihim din siyang sumusulyap sakin.

Nang nakarating kami sa bahay ay pina una ko na si Casey sa taas

"What's the problem?"tanong niya. Malungkot ang kanyang tono

Nanatili lang kaming tahimik sa loob.

Lumabas na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan

Tinitigan niya lang ako

"Dahil ba sa tatay ni Casey?"aniya.

Hindi ako sumagot.

"Mahal mo pa talaga siya no?" Aniya.

Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Gusto ko lumayo, gusto ko lumapit sa ibang lugar."sabi ko.

Humarap ako sakanya. "Tulungan mo ako."sabi ko.

Bumuntong hininga siya.

"Are you sure?"aniya sa seryosong tanong.

"Oo"sagot ko

"Alexa. . Hindi ang pag alis ang sagot sa mga problema mo. Hindi kami magiging masaya dyan. Alexa, look. You need to face him, You guys need to talk."seryosong sabi niya.

"Alexa listen to me."dugtong niya.

Hiniwakan niya ang aking baba.

"Alexa I don't want to fall inlove with you "Aniya.

Napatingin ako sakanyang mga mata. Sincere siya

Nilapit niya ang mukha niya sakin. "But i think i already did."aniya.

Tumingin siya saking labi. "I wanna kiss you right now."

"Pero bawal."

Yumuko siya at bumitaw.
Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"At wala akong karapatan sayo. Ang tanga ko kasi alam ko namang wala akong pag asa sayo pero nagpumilit parin ako."

Lumabas siya ng kotse.

Oh god! Please help me. Tulungan mo po ako makapag desisyon.

Nanatili ako sa kotse. Ang mga luha sa aking mga mata ay ayaw tumigil sa pagtulo

Pinikit ko ang aking mga mata.

Sana panaginip lang lahat ng to. Sana..

Lumabas narin ako ng kotse.

Nakita ko ang pag sipa at ang pagbato ni Niel ng mga bato sa daan.

Dahan dahan akong lumapit.

Isa lang ang gusto ko. Isa lang ang kailangan ko.

"Niel." tawag ko.

Napatigil siya.

"Tama ka. Hindi habang buhay matatakasan ko siya. Salamat." Sabi ko. "Pero yung suklian ko ang pag mamahal mo ay hindi ko alam kung kaya ko."dugtong ko.

Nanatili akong tahimik at mahinahon.

"Niel pwede ba kitang mayakap."sabi ko.

Humarap siya sakin pagkatapos ay ngumisi. "Pwedeng pwede, nagpaalam ka pa."aniya.

Alam kong napilitan lang siyang ngumisi para hindi maging awkward ang atmosphere.

Nagyakapan lang kami. Matagal iyon.

Ako na ang kusang bumitaw sa yakapan namin.

Pilit akong ngumiti. "Friends?" Nilahad ko ang aking kamay.

Napa kamot siya sa kanyang ulo. "Ano ba yan' Minsan na nga lang magseryoso na friendzoned pa."aniya.

Napangiti ako sakanya.

"Pero bago yan pwedeng pa kiss? Last na to promise."nahihiya siya ng sabihin niya ito. "Promise, pagkatapos nito lalayo na ako."dugtong niya

Dahan dahan akong tumango.

Mabilisan niya akong hinalikan sa noo.

Pagkatapos ay hinalikan niya naman ako sa ilong.

"Alexa."mariing pagkasabi ng lalaking pamilyar ang boses.

Tinulak ko si Niel.

Kinuha nito ang aking kamay para ilayo ako.

Nakakatakot siya magalit.

Bakas sa mukha ni Nathan matinding galit. Nakakatakot ang kanyang mga kamao parang handa siyang pumatay.

Matapang na humarap si Niel kay Nathan.

Pilit ko mang bumitaw sa pagkakahawak ay wala akong magawa dahil ito ay mahigpit.

"Psh, You wanna fight? Come on. Bugbugin mo na ako" Sabi ni Niel na tila nanghahamon pa ng away

"Niel ano ba." Sigaw ko.

Mas lalong nagalit si Nathan. Hinarap niya ako.

"Grabe ka kasal pa tayo Alexa, Mahal na mahal kita pero sumama kalang sa lalaking to?" Aniya.

"Hinanap kita ng hinanap tapos ganito ang aabutan ko? Sumama ka lang sa kabit mong ito?"Tinuro turo niya si Niel

Ginamit ko ang isang kamay ko para sampalin siya.

Nagulat siya sa ginawa ko.

Binitawan ni Nathan ang kamay ko.

"Really Alexa? asawa mo to? Ang pangit ng taste mo sa lalaki."mariing sabi ni Niel

"Alexa hindi ko yata kayang magparaya. Hindi ko kayang sa Tarantadong to' kalang mapunta. Pinag hihirapan kitang makuha tapos gagaguhin ka lang nito? Magkamatayan na pero hindi ako susuko."dugtong niya.

A Wife to a VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon