↬Chapter 3

20.7K 374 5
                                    

Chapter 3: Asawa Mo

"Mag a-alas syete na bakit wala pa din sila Nathan."

Pumunta kasi sa bahay nila Mommy Luisa si Nathan kasama si Casey, Hindi ako nakasama dahil may orientation ako sa Ridgeview. Kakadating ko lang sa bahay at hindi pa nga ako nakakapag palit ng damit. "Hindi manlang nag text."

Naging madali ang paglipat niya dahil sa maraming siyang koneksyon sa Ridgeview at dahil sikat din siya, hindi ito naging problema.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ang isang busina nang kotse.

Maagap kong binuksan ang gate.

Lumabas ng kotse si Nathan, karga nya si Casey, Mahimbing na natutulog si Casey. Tingin ko kay napagod ito kakalaro. Tsk tsk

"Akin na si Casey."

Binigay naman nya ito sa akin pagkatapos ay kinuha niya ang mga bag at pinasok sa loob ng bahay. May dala din siyang mga paper bag.

Pagka pasok ay umupo agad siya sa sofa at binuksan ang TV.

Umakyat naman ako sa Kwarto ko at nilagay ko si Casey sa crib nya.

"Hay, pagod na pagod ang baby ko." sabi ko habang tinitignan ang mala anghel nyang mukha habang natutulog. I kissed the tip of her cute nose...my little angel is absolutely  adorable.

Napagpasyahan kong bumaba muna dahil may dapat pala akong sabihin kay Nathan.

"Nathan, kailangan na natin kumuha ng yaya ni Casey"sabi ko.

"Just text mom, siya na ang bahala" aniya at ang atensyon nya parin ay nasa pinapanood nyang Basketball.

Napatayo siya ng nakita nyang na shoot ng kanyang ang bola sa Ring. Hindi ako fan ng basketball kaya hindi ko ito kilala. "Yes, nice one!"

"Okay."

"Ano oras ka aalis mamaya diba may gig ka?" Tanong ko.

Kinuha ko ang bag ni Casey na nasa tabi niya. At sumubo ng isang pizza.

"Mga 8:30 and baka gabihin ako sa pag uwi, wag muna ako antayin," Aniya.

Tumango naman ako.

Pumunta akong kusina para mag luto ng ulam, Nag saing na din ako.

Hindi kami bibigyan ng pang tustos sa pang araw ng mga Magulang namin. Dapat daw kami ang Magtrabaho para sa anak namin.

Pero binibigyan ako ng allowance ni mommy at daddy, pati sa Tuition fee. Pero pag sa anak namin ay hindi, Dapat daw matuto kami kaya si Nathan ay tumatanggap ng gig, at ang kalahati ay napupunta sakin para sa pangggastos dito sa bahay. Malaki laki naman ito kaya sakto lang sa amin.

Umakyat ako sa taas para ayusin ang mga gamit na nagkalat. Hindi ko kasi nagawang linisin ito kaninang umaga.

Sinukat ko din ang uniform namin.

Sakto lang sakin ang uniform. Tamang sukat sakin kaso nagmukang masikip tignan. Aish! Parang ang sexy tignan. Ayoko pa naman ng ganun.

Kanina sa orientation madaming natuwa sa uniform. Ang iba naman ay nagreklamo dahil ayaw nila mag suot ng uniform.

Maaarte at mayayabang ang iba. Sana naman maging maayos ang taon ko sa Ridgeview. Sana makagraduate ako ng payapa. Pero sa tingin ko magiging Malabo ito, pakiramdam ko kasi hindi na ito magiging payapa dahil si Nathan ay nasa Ridgeview na. Tingin ko maraming maghahabol sa kanya at magsisilipat din ang mga ito.

Pagkatapos ko mag ligpit ay lumabas ako sa kwarto, Saktong naabutan ko si Nathan na paalis na.

"Alis na ako."Aniya

A Wife to a VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon