↬Chapter 14

15.3K 295 10
                                    

Chapter 14: TRUST

"Nathan bakit mo pinost yung picture ni Casey, hindi ka nagiisip."

Nasa hapag kaininan kami pinauwi ko nasi Mary dahil dumating na rin naman si Nathan at sabi niya siya na daw muna ang magaalaga sa anak namin

"Because I want to." Aniya. Nasa lap niya si Casey at nilalaro while I'm preparing our dinner.

"Hindi mo ba alam na ang daming nag comment doon? Nathan ang daming tsimis na kumakalat." Banta ko. Worried lang ako, siya na mismo nagsabi na pinapahalagahan niya ang image at career niya pero siya mismo ang sumisira.

"I can tell them na pamangkin ko yung baby. I want to post her pictures kasi gusto ko nothing wrong with what I did." Aniya "Kapag naman binura ko yung post mas lala ang issues, mas lalo silang magtataka."

"Nathan alam mo bang inisiip nila na anak mo daw yun sa 'ex girlfriend' mo? Madaming rumors na kumakalat!!"

"Chill Alexa, nag paliwanag na diyan ang manager ko he already addressed the issues. And by the way yun lang ba ang binasa mo? Have you read—"

"Yes nabasa ko pati yung comment ng babaeng finafollow mo, Steph ba yon? Who is she?" tanong ko sabay irap.

"She's an actress, A rising actress. She's also my childhood friend." Sagot niya na parang wala lang sa kaniya. "Don't be jealous. We're married and I hope we trust each other."

Tumango lang ako, yeah trust

Mabilis ang mga araw midterm week na namin. Sobra na akong stressed sa school works at sa anak ko. Hirap na hirap na ako sa totoo lang.

"Mary please text me for updates, sorry di talaga ako pwede mag absent eh. "sabi ko habang inaayos ang bag na dadalhin ni Mary sa Hospital.

Pagkagising kasi ni Casey ang init niya, sobra kaming nag aalala kaya daldalhin ni Mary sa hospital para i-check up hindi kasi ako pwede dahil madami pa akong kailangang ipasang paper works. Ilang sandali pa ay bumusina na ang sasakyan ni Nathan. Siya ang maghahatid sa Hospital dahil hindi naman pwedeng siya ang mag pa check up dahil makikilala siya ng mga tao. Susunod din naman si Hospital si Mama pero saglit lang dahil busy siya sa pinapatayong restaurant.

"Alis na po kami." Tumango ako at hinatid sila sa kotse. "Ingat, text me okay. " Huling paalala ko.

Pag ka alis nila ay sinarado ko naman ang bahay pagkatapos ay umalis na rin kaagad.

Bukas ay start na ng midterm namin hanggang friday at ngayong araw ang deadline ng mga paper works namin kaya pagkadating ko ng classroom ay nasa kalahati palang ang nasa klase paniguradong nasa library at nag c-cram.

"May meeting daw ang buong faculty baka malate si Prof." anunsiyo ng kaklase ko. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko, pano ba naman kasi makakapaglaro pa sila sa kanilang cellphone.

Naisipan kong i-text si Mary, pati narin si Nathan pero ilang sandali lang ay nakatanggap ako ng tawag sa kaniya.

"Nahatid ko na sila I'm on my way—"

"You're driving!!! Nathan mamaya ka nalang tumawag."

"May importante kasi akong sasabhin ayoko na mag text." "But Nathan–" hininaan ko ang boses ko.

"I may not come home tonight." aniya. Binababa ko na ang tawag Nakakafrustrate lang kasi, mag-isa nanaman akong mag-aalaga kay Casey.

Tapos na ang first period ko pero wala paring text galing kay Mary. Nag aaalala na tuloy ako.

"Delos Reyes, Alexa Jaslyn" Tumayo na ako para ipasa ang papers ko. Hindi tuloy ako makapag focus sa reminders at sa mga sinasabi ng Prof ko. Wala pa kasi akong natatanggap na text galing kay Mary.

A Wife to a VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon