Kabanata 29

14.5K 273 7
                                    

CHAPTER 29: Where are you

Dumaan ang mga araw, lingo, buwan ng walang Nathan na nagpaparamdam. I miss him so much, but I ask for this.

Dumaan ang birthday ni Casey, simpleng birthday celebration lang ang nangyari, kasama sina Chloe at Marcus pati na rin ang mga kapit bahay namin dito. Umalis na din sina Gail at Everson dito pero hindi parin nila nakakalimutang dumalaw.

Magkaayos na ulit si Gail at Daniel, mahaba habang pagsusuyo ang ginawa ni Daniel kay Gail, Pero sa huli nagka ayos din sila. Kumpara dati ay mas maayos na ang pagsasama nila, mas sweet sila ngayon at hindi mapaghihiwalay.

Samantalang Malapit na manganak si Chloe, kambal ang anak niya. I'm happy for them, pero hanggang ngayon ay hindi parin maayos ang pagsasama nila ng kanyang Parents.

"Girl yung movie ni Nathan showing na, hindi ka ba manonood? "Tanong ni Gail isang araw nang bumisita niya,

"Sapak gusto mo?"pagtataray ko.

"Girl wala man lang pag unlad sa pagsasama nyo?" Aniya habang nilalagay sa pinggan ang mga pagkaing dala dala nila.

Bumuntong hininga ako. "Gail manahimik ka nalang okay?"sabi ko.

"Ay sus, Napanoood ko yung presscon nila. Alam mo ba ang sabi niya, mag qu-quit na daw siya sa showbiz kasi may priorities daw siya-"Pinutol ko sa pagsasalita si Gail

"Gail shut up, okay."sabi ko. "Ayokong marinig ang pangalan niya."dugtong ko.

"Edi Hindi na, ito naman."aniya at ngumisi.

"Hay! Nakaka excite naman."aniya habang nag huhugas ng pinggan.

Tinignan ko siya ng naka kunot noo. "Bakit?"tanong ko.

Ngumisi siya sa akin

Niyakap niya ako. "Ang swerte mo girl."aniya

"Ang weird mo ngayon Gail."sabi ko.

Humalakhak siya. "Maganda naman."sagot niya.

Ngumisi ako at binatukan ko siya.

"Basta Girl, kahit anong mangyari ha. Umu-oo ka."aniya at lumabas na ng kusina.

Nagtataka kong tinignan lumabas si Gail. Napaka weird tsk.

Tumunog ang cellphone ko at may nakita akong Text doon galling sa isang Unknown Number

I'm still hoping it's you and me in the end.

Ang sabi sa text, Walang nakalagay na pangalan doon. Sino kaya ito? hindi kaya? Aish!! Ito nanaman ako. Overthinking is a habit for me na kailangan ko na talagang itigil.

"Alexa halika na, baka ubusan ka namin dito."Tawag ni Chloe.

Hinayaan ko nalang ang text at Nagtungo nalang sa Kusina

"Ano size mo?"Isang araw tanong ni Chloe.

Nasa bahay ako nila Chloe, Si Casey naman ay pinatulog ko dahil tanghali.

"Hmm, bakit?"tanong ko.

"May dadating na designer dito. Susukatan ka para sa kasal."aniya.

"Sinong ikakasal?"Tanong ko habang inaayos ang higaan ni Casey.

"K-kami ni Marcus."para hindi siya sigurado sa kanyang sinasabi.

"Talaga, ikakasal na kayo? Parang hindi ka sigurado ah"pabiro kong sabi kay Chloe.

Tumawa siya.

"May naisip ka na bang ipapangalan sa Anak mo?"pagiiba ko ng usapan.

"Hmm, Elijah and Ethan."Nakangiting sagot ni Chloe, Parehong lalaki ang anak ni Chloe at Marcus at sa susunod na buwan ay manganganak na siya.

"Napakagandang pangalan naman."sagot ko.

May kumatok sa pintuan, Nakatinginan kami ni Chloe

"Buksan mo."aniya

Sinunod ko siya at binuksan ko ang pintuan. Isang bakla at isang babae ang aking nakita.

Kikay at Maganda ang kasuotan nila, Ang babae ay may dala dalang aso, Shih tzu ang lahi nito.

"Good Afternoon"bati ng bakla.

May pagka British accent ang pagbati nito sa akin.

"Come in."sabi ni Chloe.

Umupo ang babae sa upuan at ang bakla ay tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Ms. Chloe siya ba yun?"Ngumuso ang babae sakin.

Tumango tango si Chloe, Na weirduhan naman ako sa inasal nila

Para bang may tinatago sila sa akin.

Habang ang bakla ay nakatingin parin sa akin. At parang may iniisip.

"She's beautiful. "sabi ng bakla. "Give me the measuring tape"dugtong niya,

Nakaka mangha ang kanyng british accent.

Sinimulan na niya akong sukatan. Hindi ako nagsasalita habang sinusukatan ako.

Parang may hindi ako alam sa mga nangyayari, Mamaya ko na tatanungin ng tatanungin si Chloe.

"Kathlyn, salubungin mo si Bernardo sa labas, dala dala na niya ang pagkain."Matigas ang pananalita niya ng Tagalog. Seriously nakaka amaze siya.

"May food tasting din tayo ngayon para sa kasal."sabi ni Chloe.

Tumango tango nalang ako.

May pumasok na lalaki doon. Isa siyang Chef base sa kanyang kasuotan ngayon.

Inilatag niya ang lamesa at pinasok ang mga pagkain.

"Here."aniya.

"Chloe tikman mo na."sabi ko. Pero tumannggi siya.

"Wala ako sa mood tumikim ng mga pagkain na yan. Ikaw nalang, sabihin mo nalang sakin kung ano yung pinaka masarap."aniya.

Tumango nalang ako at tinikman ang mga pagkain.

Nakakapagtaka talaga. Parang ang bilis naman yata ng preperation.


A Wife to a VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon