Special Chapter III

1.1K 49 2
                                    

Hi! Last Special Chapter na 'to, sana magustuhan niyo rin 'to :D Enjoy reading! #ALDUB1stAnniversary


Special Chapter III

This chapter is in the timeline after My Better Half!

Maine's POV


After having a trip around Europe, halos gusto pa naming bumalik doon. Hindi nakakasawa ang mga tanawin, we enjoyed being there. Iba't ibang bansa ang napuntahan namin doon kabilang na ang Italy, London, Greece, Ireland, Vatican at ang huli ay ang France. Mas naenjoy namin ang Paris dahil sa kakaibang atmosphere nito. The feel of love is there, hindi talaga nawawala.

Now that our hectic schedule off ay nakapagpahinga rin naman kami. Oh, we did some tour around the world dahil sa isang event, next week US tour naman kami.

"Alden!" tawag ko sa asawa ko.

Yes, we married seven years ago. We had a private wedding pero syempre dahil isa kaming public person ay naibalita ang naganap naming kasal. Hindi naman namin tinanggi 'yon dahil mas makakabuti namang malaman nilang knotted na ang bawat isa sa aming dalawa.

"Yes, baby?" nagmamadaling bumaba ng hagdan si Alden.

Inayos ko naman ang collar niya, "bakit kasi ang kupad kupad mo!"

"Sus!" aniya saka bigla niya akong hinalikan. Pinalo ko naman siya sa balikat dahil sa ginawa niya, tinawanan na lang din naman ako nito. "Gusto din!" ngisi pa niya.

"Ewan ko sayo!" irap ko pa sa kanya pero nang tumalikod naman ako sa kanya ay hindi ko rin napigilan ang kilig.

Kiniliti naman ako bigla nito sa tagiliran kaya muli akong humarap sa kanya at pinigilan ko siya sa ginagawa niya.

"Alde-tumigil ka nga-Alden!" sa sigaw ko ay tumigil din naman siya at niyakap na lang din naman niya ako at tatawa tawa pa siya. Hinihingal naman ako sa ginawa niya, "pasalamat ka at asawa kita, kanina pa siguro kita binigwasan!" irap ko sa kanya.

"Mahal mo ko eh kaya 'di mo 'yan magagawa." He grinned.

I look at him with pokerface.

"Sige nga," tusok pa nito sa tagiliran ko. "Sabihin mo nga, I love you!" aniya.

"Alden, aalis na tayo."

"Sige na. I love you lang!" pagpupumilit pa niya.

"Okay, I love-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang muli niya akong halikan, "-you."

Kinulong na lamang niya ang mga kamay ko sa kanyang kamay at sabay na kaming tumuloy sa sasakyan. Dahil maaga pa rin naman kami ay dumaan muna kami sa isang fastfood chain, nagpalipas muna kami doon.

Kung ang ilan ginagawang breaking up o move on place ang lugar na 'to, ginawa namin ni Alden na isang dating place ang lugar na 'to. Madalas kami dito pati sa ibang bansa ay hindi namin pinalampas. Kung sa mga nakalipas na taon ng pagiging magkasama ni Alden, noong una hindi ako sanay pero unti unti ko rin namang nakayanan ang lahat.

Alden is there for me to hold things right.

Hindi niya ako iniiwanan.

Alden finds me everywhere, then I was made for him and after all he is my better half.

My Better HalfWhere stories live. Discover now