Epilogue

2.2K 99 13
                                    

Note: Hindi ko na masyadong hinabaan pa ang epilogue kasi... basta. I hope you enjoyed reading this story! Hanggang sa susunod :D SALAMAAAAT!


Epilogue

2 years later.

Madami mang nagbago sa paligid namin pero hindi pa rin nagbabago 'yong mga taong nandiyan para sa amin. Sa totoo lang, mas naging masaya ako sa nakalipas na taon. Bumalik na kami sa trabaho nila Alden together at ang nakakatuwa pa doon ay naka-trabaho na namin si Roshelyn na ngayon ay kaibigan ko nang maituturing.

Natatandaan ko pa rin 'yong araw na nakulong ako nang hindi ko alam kung anong dahilan. 'Yon pala ay nasa plano iyon nila Alden, kinuntsaba nila ang mga pulis na kunyaring hulihin ako at hindi ko talaga alam kung anong nangyayari kaya hindi ko naisip na plano lang pala nila 'yon. At nang sumapit ang gabing iyon, hindi ko talaga inaasahan. Nakakataba ng puso 'yong pangyayari.

Kaya pala sa tinagal-tagal ko sa kulungan, pinaghahandaan pala nilang lahat 'yon. 'Yong mga staff sa condominium at 'yong dating unit ni Alden kung saan nakita ko muli siya doon.

Marami pang nangyari pero alam kong sapat na 'yong maramdam ko kung paano ako naging mahalaga kay Alden.

And after 1 month no'n, naging si Alexander din at si Anja. Sa tinagal-tagal ng panahon, sila rin pala ang magiging end game.

We've done so many projects ni Alden with the two—Alex and Anja. We travelled the world kapag walang trabaho at mas nae-enjoy namin ang company ng bawat isa.

This happiness couldn't be paid by money.

"I, Alden Henderson, take you, Maine Alvarez, to be my lawfully wedded wife to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part." He smiled and look straight into my eyes.

Napatingin naman kami sa priest, "you may now kiss your wife."

Pumikit na lamang ako at naramdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa akin. It takes few minutes hanggang...

"Cut!" umalis din kami sa isa't isa. "Goodjob, next scene!" sabi ni direk.

Natawa na lang din kami ni Alden dahil akala mo totoo na talaga 'yong moment na 'yon pero scripted pala 'yon pero hindi malayong mangyari sa aming dalawa ni Alden 'yon.

Pero mayamaya lamang habang pu-pwesto na ako para sa next scene naming dalawa ay napalingon na lamang ako kay Alden, napakunot noo pa ako nang makita ko siyang nakaluhod sa harapan ko. Akala ko may sinisintas lang siya, pero wala namang sintas 'yong suot niya kaya nagtaka ako.

"Alden..." tawag ko pa sa kanya.

Pero nang i-angat naman niya ang ulo niya at kuni ang mga kamay ko, napahinga na lamang ako nang malalim.

"Maine, sa tagal na nang pagsasama natin, alam kong napatunayan ko na sa sarili ko kung gaano kita kamahal, kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Ngayon, sinasabi ko ang lahat ng ito dahil handa na ako sa magiging tayo sa susunod na mga araw Maine. Handa na akong tawagin kitang wifey." Ngisi pa niya. "Maine, hindi man ito kagara no'ng paghingi ko ng oo mo noon pero kahit ano pa man, sana tanggapin mo ako sa buhay mo, sa puso mo... maging sayo kailanman."

I took a deep breathe, "Alden, alam kong hindi natutumbasan ng taon o ano pa man ang pagsasama ng bawat isa, basta alam niyo at mahal niyo ang isa't isa. Sapat na 'yon. Saka hindi ko rin naman hinihingi na maging kabongga noon dahil kahit ganito lang, naiiyak na ako. Hindi ko ma-imagine na luluhod ka na for real sa harapan ko, Alden. Ikaw lang, Alden. And I'm ready to call you my husband."

"So Maine... will you be my better half?"

I nodded, "yes, Alden, I will be your better half."

Dahan dahan naman niyang sinuot sa akin ang singsing at hinigit ko siya para yakapin.

"I love you..."

"I love you more, Alden..."

--

A month later.

Maine Alvarez-Henderson. Siguro ako na ang pinakamasayang babae sa mundo ngayon dahil sa tinagal-tagal man ng panahon, hindi ako iniwan nang lalaking matagal ko nang hinahanap. Akala ko, walang mangyayari kapag nagkita na kaming dalawa pero madaming nagbago sa aming dalawa at dinala sa buhay namin ang pagbabagong iyon.

Isa na akong Henderson. Siguro, maraming naiinggit sa akin ngayon dahil 'yong inaasam nilang dream guy nila ay isang property ko na.

Alam kong mas marami pang mangyayari sa buhay namin ni Alden ngayong kasal na kaming dalawa pero hinding hindi ko makakalimutan na sa bawat bagay na dumarating ay kailangan mong maging matatag para sa huli makuha mo ang bagay na hinahangad mo.

Siguro hanggang dito na lang ang lahat. Matapos sa haba ng pinagdaanan namin ni Alden, maraming na-inlove, maraming naheart broken, nainis pero hanggang doon na lang siguro ang mga detalyeng alam nila. Ngayong pribado na ang buhay namin ni Alden. Wala pa rin namang magbabago doon.

I will always be in love to the guy who prove that time means nothing. If you want it, just do it and make it happen.

I, Maine Alvarez-Henderson is the better half of Alden Henderson will now say goodbye, this is not the end of everything for all of us, because everything has just started.

--THE END--

My Better HalfWhere stories live. Discover now