Chapter 5

1.8K 80 2
                                    

Chapter 5

Over reacted


I woke up as the sunlight runs through my face, napahugot na lang din naman ako nang malalim na hininga sa pagbangon ko. I still remember what happen yesterday, ewan ko rin kung bakit ganoon ang naging reaction ko kay Alden pero kasi, harap-harapan na? Parang sinabi na rin niya sa akin na sa kanya muna si Alden at kapag nagsawa na siya, ibabalik na niya sa akin. Like what the hell!

Oh kaya masyado lang akong over reacted?

Hindi. Hindi, okay.

Kinuha ko naman 'yong phone sa side table ng kama ko, napataas na lamang ako ng kilay na makitang puro missed calls ni Alden and even few text messages ang laman nito. I tried to read one message pero ang nakasulat lang ay 'Maine?' and the rest, I deleted. Hindi ko na inabala ang sarili ko na basahin pa.

Lumabas na rin naman ako ng kwarto ko at tumungo sa kusina, I saw Anja na nakapang-alis at mukhang aligaga din.

"Saan punta mo?" I ask as I reach her.

Hindi naman niya ako nilingon, "good you're awake, may aasikusahin lang ako kasama 'yong ibang staff." Aniya.

Napatango naman ako sa kanya, "ngayon na talaga?"

She nodded, then she gave me a cup of coffee. "Oh, ayan pinagluto na kita, pinagtimpla na kita ng kape. Alam ko kasing stress ka." Aniya.

Napabuntong hininga na lang din naman ako sa sinabi niya, kinuha ko naman ang tasa at hinipan ang ibabaw nito and tried to sip a little. Nagpaalam na rin naman sa akin si Anja at tinuon ko na lang ang sarili ko sa hinaing pagkain ni Anja sa akin. Pero mayamaya lang ay napaigtad ako nang biglang sumigaw si Anja.

"Meng!" sigaw nito.

Agad naman akong napakaripas ng takbo papunta sa kanya na nakatulala sa harap ng pintuan, and when I reach her doon ko lang din nakita ang bouquet of flowers and chocolates sa tapat ng unit namin. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Anja bago niya ito kunin.

"Kanino galing at para kanino?"

"Ay teka, ito may letter!" aniya, agad naman niya iyong binuksan. "For Maine, from Alden." In just that, nanlambot na naman ang puso ko. Ngisihan naman ako ni Anja, "ayan ah, nag-effort pa talaga siya na suyuin ka." Inabot naman niya sa akin 'yong bouquet at chocolates. "Tawagan mo na siya."

Napakunot noo na lang din naman ako sa kanya.

"Ano namang sasabihin ko sa kanya?"

She rolled her eyes, "edi sabihin mo nakuha mo 'to saka tumawag sa akin kagabi si Alden, asking if you're okay."

"Anong sinabi mo?"

She shrugs, "sabi ko stress ka kaya 'yon."

Napatango na lang din naman ako sa kanya, "'yon lang sure ka?"

She patted my shoulder, "oo, saka mauuna na ako. Bawal ma-late sa meeting!" aniya saka tuluyan nang umalis ng unit. Sinarado ko naman ang pinto at bumalik sa kusina, nilapag ko doon ang bouquet at chocolates, muli ko namang kinuha ang letter at ayun napuna ko na may sulat pala sa kabila nito and I saw the one word... sorry.

Agad ko namang kinuha ang phone ko at idinial ang number ni Alden and after few seconds, sinagot naman agad niya ito.

"Hello?" his voice, hindi ko alam pero napangiti na lang din kaagad ako. "Hello, Maine?"

My Better HalfWhere stories live. Discover now