Chapter 18

1.4K 77 1
                                    

Chapter 18

Jealousy kills


~Maine's POV

Back to work. Yes, after all of what happened lately, kailangan naming maghabol ng scenes para sa teleserye namin na dalawang buwan na lamang, ayon 'yon kay Anja. Nauna ako sa set, mag-isa akong nag-drive, sinabi ko na lang kay Anja na padala na lang no'ng iba ko pang gamit dahil gusto ko rin mapag-isa, gusto ko lang mag-isip isip. Sobrang stress na din kasi, stress sa work, stress kay Alden at isama mo pa si Roshelyn.

I don't get that girl, may iba talaga akong kutob sa kanya pero yeah, we need to move on, wala namang magagawa ang pag-aamok ko dito eh. She's still a person to respect. Habang inaayusan naman ako ng make-up artist ko, nagbabasa lang ako ng mga kung ano ano sa phone ko. Boring.

"Nga pala Meng," aniya habang nilalagyan ako nang liquid eye liner sa may mata ko. "Alam mo na ba?"

"Alam na ano?"

"Na ni-reject ni Roshelyn 'yong offer daw sa kanya na mapasama sa teleserye, how come you not know?" taka niya pang tanong sa akin.

Napakibit balikat na lang din ako, "wala akong alam pero narinig ko na 'yon noon na ipapasok siya pero hindi ko alam na ni-reject niya. Kanino mo nalaman?"

"Ah, sa mga crew." Sagot niya lang sa akin. "There, perfect!" aniya.

Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin at napangiti na lang din. Ang simple lang nang pagkakamake-up niya sa akin pero ibang klase ang dating. Tumayo na rin naman ako sa kinauupuan ko para basahin na 'yong script dahil hindi ko pa nababasa 'yong bagong scene since the day na binigay sa akin 'yon.

Pero napatigil naman ako at muli kong hinarap ang make-up artist ko na nililinis ang table na pinaglapagan ng make-up. "Nga pala, matatapos na ang teleserye kaya salamat in advance." I smiled.

"Wala 'yon, bebe." Kindat pa nito sa akin.

Naupo naman ako sa isang folding bed at binasa ko 'yong script ko, hindi ko siya makabisa, parang ang daming pumapasok sa isip ko at hindi ako makapagconcentrate.

"Ah, Meng?" napatingin naman agad ako sa make-up artist ko.

Napadilat pa ako sa kanya, "ah, bakit?"

"Okay ka lang ba diyan?" matawa-tawa pa nitong sa akin.

Tumango naman ako sabay ngiti sa kanya. na-weirduhan ba siya sa akin? Hindi ko lang kasi kung anong gagawin ko.

Mayamaya habang binabasa ko ang script, dumating na rin si Anja dala ang ibang gamit ko, may dala siyang snacks kaya ayun kaagad ang kinain ko and few minutes nang pagdating ni Anja ay sumunod naman si Alden.

Napatigil ako sa ginagawa ko, gusto ko sanang lumabas ng tent pero ayaw naman kumilos ng mga paa ko.

"Anja, could you just give us a minute?" ani Alden kay Anja.

"Yeah, sure." Ngiti pa ni Anja, sinama na rin niya 'yong make-up artist ko at kaming dalawa na lang ni Alden ang natira sa loob ng tent. Binaling ko na lang ulit 'yong atensyon ko sa script pero hinarangan naman ni Alden iyon ng kamay niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "bakit ba? Could you just give me a minute? Hindi ko pa nakakabisa 'tong lines ko."

"And so am I." seryoso naman nitong sagot sa akin.

My Better HalfWhere stories live. Discover now