Prologue

5.1K 109 6
                                    

Note: Last installment of the AlDub Fanfic! I hope you enjoyed the previous books at sana mas magustuhan niyo ang huling librong ito! Leave some comments and votes, I will appreciate everything you do! Maraming salamat, enjoy ka lang. :)

Prologue


It feels like it was yesterday, now it feels surreal to be part of his life. Kung susumahin ang lahat ng pinagdaanan namin, hindi siya biro, mapapagod ka talaga kakahintay at kakaasa dahil sa kaunting pag-asa na hinihintay mo na magkikita ulit kayo, nakikita mo pa rin 'yong liwanag na hindi mo susukuan dahil alam mo naman in the end, magkikita rin kayo.

If it's meant to be, then it was.

Ngayon na magkasama na kami ni Alden, ito na 'yong pagkakataon na mas makilala ko pa siya. Nakakatawa lang dahil ang dami na pala naming pagkakataon na magkita pero may kung anong sitwasyon naman ang humahadlang para hindi mangyari ang bagay na 'yo.

Gaya nga ng sabi ni Alden, nasa tamang panahon ang lahat and I think, this is the right time for us. For the new beginning, for a much deeper relationship of us.

Si Alden Henderson at bilang Richard Howerdson siya noon? Noong una wala talaga akong pake sa kanya, kasi tingnan mo 'to, hindi naman ako palanood ng tv and even ng mga shows katulad ng modeling pero I was easily get hook by him, kasi parang may rememblance sila ng taong matagal ko nang hinahanap pero hindi ko inisip 'yon.

Matagal bago ko nalaman ang tunay na katauhan ni Alden. All of the questions I want to know, siya naman mismo ang sumagot para sa akin. Atleast from the start, nalaman ko rin 'yong dahilan kung bakit parang bigla na lang siya nawala na parang bula.

Sa 11 years na 'yon, sa bilis ng panahon, sa dami nang pangyayari... ano pa kayang mga susunod?

Handa na nga ba akong harapin kung ano mang pagsubok ang dumating sa amin ngayon ni Alden?

Siguro, oo, handa na ako.

"Maine, sino na naman 'yang kausap mo?" tanong ni Alden sa akin, aburido na siya dahil kanina pa ako may kausap sa phone.

Nginitian ko lang siya, "saglit lang, kasi." Sabi ko pa sa kanya.

Inilingan naman niya ako, "bahala ka sa buhay mo." saka niya ako tinalikuran, napakunot naman ako sa pinakitang reaksyon niya.

Sa ilang linggo na pagkikita namin ni Alden, kapag laging may tumatawag sa akin, lagi na lang siyang ganyan.

Nakakaasar, hindi niya ba maintindihan na baka minsan related lang sa work ko? Duh.

I tried to follow him pero huli na nang makita kong umalis na siya gamit ang sasakyan niya. Napabuntong hininga na lang din ako, hindi kita maintindihan Alden. Pakiintindi nga sa akin, please?



My Better HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon