Special Chapter I

1.4K 43 2
                                    

Hi guys! For AlDub's 1st year anniversary, Special Chapters are on your way, yes with S. So standby, this afternoon and evening the next special chapters! I hope you enjoy! Please leave some comments and thoughts! Thank you so much!  #ALDUB1stAnniversary


Special Chapter I

This chapter is in the timeline of You're Eveywhere!

Alden's POV


I always see her with her friends, alone reading a romance book or realizing that I was following her home. But I'm just a boy, looking out for some chances to see her once in a while.

I don't know where did it start pero sa tuwing makikita ko siya, I always seeing myself talking to her pero sa totoo lang ay natatakot akong lumapit sa kanya. Yes, she's a 4th grader while I'm on my 6th grade. People had crushes, at inaamin kong siya 'yon.

Once I heard her name nang mapadaan sila ng magkakaibigan niya sa harapan ko, they call her 'Meng' at napapangiti na lang ako sa tuwing maalala ko ang kanyang pangalan. I know she didn't know me, of course magkaiba kami ng grade saka kahit ano namang gawin ko. A fat boy like me wouldn't be friend with her.

I always get bullied. Sa tuwing uuwi ako ng bahay, lagi akong tinatanong ng mama ko kung ginawa namin sa school pero sa huli ako iiyak na lang ako dahil sa ginawa ng mga schoolmate ko sa akin. Lagi nila akong inaasar, pinaglalaruan at kung ano ano pang mapag-trip-an nila. Minsan nang pumunta ang mama ko sa guidance office para i-report ang nangyaring iyon pero kahit anong gawin ay hindi pa rin sila tumitihil. Naghahanap talaga sila ng paraan para mapaiyak ako.

One day, some 8th graders came after me. At ano pa nga bang inaasahan ko? Gusto nilang kunin ang pera ko at ang baon kong tinapay. Ayaw ko namang ibigay sa kanila 'yon dahil ginawa 'yon ng mama ko para sa akin tapos ibibigay ko lang?

Sinubukan kong makipagmatigasan pero sa huli natalo na naman ako. Tinulak pa nila ako, doon ko lang din napansin sa hindi kalayuan si Meng na nakatingin din mula sa direksyon ko. Nakakahiya! Agad na pumasok sa isip ko ay ang tumakbo sa senaryong iyon.

Nakita ba niya ako? Sana hindi.

Muli 'yong nalaman ng mama ko, sa sobrang galit niya ay umabot sa desisyong ililipat na niya ako ng paaralan matapos ang school year na 'to. Hindi rin naman ako naka angal wala na akong magagawa. Doon ko lang naisip gabi gabi, magkikita pa kaya kami ni Meng?

Meng nga ba talaga pangalan niya?

Uwian nang maabutan ko ang magkakaibigan na nagtatakbuhan palabas ng school gate, hindi ko rin alam kung bakit binilisan ko ang paglalakad ko hanggat sa marating ko ang gate. Nakita ko si Meng at isang bike na papalapit sa kanya.

Nanatili lang siyang nakatayo doon, agad naman akong tumakbo at tinulak siya at sa akin tumama ang bike. Nagpagulong gulong pa ako dahil sa bilis din ng takbo ng bike. Naramdaman ko ang isang bato sa gilid ng mata ko. Dahan dahan kong inangat ang sarili ko, nagtama ang mata namin ni Meng.

Agad akong tumakbo doon dahil hindi ko kayang magtagal pa doon. Muli akong natisod at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa mata ko. Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa gilid ng mata ko.

Doon ko rin nalaman ang totoong pangalan ni Meng, Maine.

Pagkauwi ko ay nagulat ang mama ko sa nangyari. She's scared to see me with blood in face. Agad naman kaming pumunta sa clinic para gamutin ang sugat ko.

And that's what she decided, aalis na kami dito at lilipat na ng ibang lugar.

Ayaw ko man pero ano pa nga bang magagawa ko?

My Better HalfWhere stories live. Discover now